“Serye ng Tulang Dagdag Kaalaman”

Ni: JD AGAPITO [# 6]

image

“Ano ang Social Security System?”

Paseguruhan ng Kapanatagang Panlipunan
Republic Act # 1161 kung tagurian
Maaaring Social Security Act 1954 iyan
RA #8282 noong 1987 dahil inamyendahan

Pamahalaan ang nagpapatakbo mismo
Para sa pribado, propesyonal at impormal sektor ito
Hiwalay ang mga nagtatrabaho sa gobyerno
GSIS o Government Security Insurance System mismo

Si Pangulong Manuel Roxas ang nagsabi sa SONA
Taong 1948 ay naging bill at sa Congress dinala
Pero pumanaw siya bago maging batas talaga
Mga sumunod na pangulo ang namahala na dito

Binuo ang SSS Commission noong 1948
Sa ilalim ni Pangulong Elipidio Quirino
Hanggang 1954 nga ng maisabatas na ito
Ramon Magsaysay na po ang siyang Pangulo

Grupo ng negosyante, manggagawa, ay may oposisyon
Kaya naipresenta sa Congress bilang RA #1792 iyon
Kaya taong 1957 na ang naging implementasyon
Carlos P Garcia na ang nakaupong pangulo noon

Presidential decree #1636 ay naamyendahan
RA 1161 ay kasama na ang mga ordinaryong mamamayan
Self employed ang kategorya kung titingnan
Maging ang mga laborer na may kita kahit iisang libo lang

Maraming benepisyo ang sa SSS ay makukuha
Pag namatay, paglilibing, panganganak, pag maysakit ka
May kapansanan, nawalan ng trabaho, o magreretiro na
Pwede ring umutang kung kailanganin ng miyembro ang pera