image

Ang lahat ay iniimbitahan na sumali sa gagawing songwriting contest ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. (PnPCFI). Ito ay kaugnay ng ika-16 taong selebrasyon ng kanilang pagkakatatag at gayundin ng selebrasyon ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Ito ang kauna-unahang Pondo ng Pinoy Songwriting Contest, layunin nito na maibahagi sa publiko ang adhikain at ispiritwalidad ng Pondo ng Pinoy sa pamamagitan ng musika.

Ito ay may temang “Pondo ng Pinoy: Simbolo ng Pagmamalasakit, Pag-Asa, at Damayan” kung kaya ang mga kanta ay inaasahang iikot sa mga mensaheng may kinalaman sa pagkakaroon ng pag-asa, pagpapalakas ng loob, pagmamahal sa Diyos at sa kapwa sa gitna ng pighati at kahirapan sa buhay.

Mga baguhan o propesyonal man ay maaring sumali sa kompetisyon. Indibidwal o may grupo basta ang kanta ay orihinal na komposisyon. Maaari ring gumamit ng iba’t ibang genre tulad ng Pop, Jazz, Ballad, Classical, Soul, Blues, R&B, Gospel, Rock, Hip Hop and Rap.

Ang mananalo ay makakatanggap ng Php 15,000.00 na may kasamang certificate of recognition at souvenir items. May special awards rin tulad ng Peoples’ Choice Award via Facebook and Youtube kung saan maaring magwagi ng Php 5, 000 bawat isa at may kasama rin na certificate at souvenir items.

Ang criteria for judging ay ang mga sumusunod: lyrics or impact of the message 50%; composition or musicality 30% and over-all impact 20%. Ang deadline of entries ay sa April 25, 2021 (11:59 PM).

Para sa iba pang katanungan, maaring mag-email sa promotions@pondongpinoy.com or mag-message lamang sa Pondo ng Pinoy Facebook page. Maaari ring pumunta sa link na ito https://web.facebook.com/pnpcfi para sa iba pang detalye. (Gecerein Ocampo)