image

Tumaggap ng tig-limang Libong Pisong (P5,000) cash assistance ang bawat miyembro ng Philippine Investigative  Media Alliance  Inc. (PIMAI) ng NCR National Chapter mula sa Department of Social Welfare and Development National Capital Region (DSWD-NCR) na umabot halos sa kalahating milyong piso.

Sa pagpupursige ni PIMAI Founding Chairman at Presidente nito na si Bernard Meñosa katuwang ang kanyang masipag na Secretary General Noli Liwanag ay nabiyayaan ng tig limang libong Piso (P5,000) ang bawat miyembro mula sa NCR na noon lang nakataggap ng cash assistance galing sa gobyerno. Kung kaya naman, labis-labis ang tuwa at pasasalamat ng bawat opisyal at miyembro na sa loob ng mahigit isang taon na nasa ilalim tayo ng crisis dahil sa Pandemic, nakatanggap din sa wakas ng cash assistance mula sa pamahalaan sa tulong at malasakit sa mga maliliit na mamamahayag ni DSWD-NCR Regional Director ret COL. VICENTE GREGORIO B. TOMAS, mabuhay po kau Sir!!!

Matatandaang ang PIMAI ay isang samahan ng mga mamamahayag sa buong Pilipinas na karamihan ay mula sa weekly newspaper, blocktimer radio at online announcer at reporter, TV, at bloggers na ang taging layunin ay mabasa, maibalita, mapanood, at maipahayag sa publiko ang tunay na nangyayari sa bansa.

Itinatag Ang samahang ito taong 2015 sa pangunguna ng founding Chairman at Presidente nito na si Bernard Meñosa, na sa ngayon sa loob ng 6 na taon umaabot na halos sa mahigit 200 ang mga miyembro.

image

image