“SERYE NG TULANG DAGDAG KAALAMAN”
Ni: PROF. JOSHEPHINE D. AGAPITO
“National Academy of Science and Technology” o “NAST”
“Maikling kasaysayan at Mga Mandato”
National Academy of Science and Technology
Sumisimbolo sa kagustuhang sa bansa ay magsilbi
Sa orihinal na panukala ng ilang propesor ng UP
Inendorso sa Pangulo ng Pilipinas na noon ay NSDB
National Science Development Board noon
Pero Department of Science and Technology na ngayon
Oktubre 6, 1976 ng National Academy of Science (NAS) ay magkaroon
Sa ilalim ng Presidential Decree 1003 para sa Nasyon
Subalit inamyendahan ito at ginawang NAST
Upang membership ay mas mapalawig na mabuti
December 17 , 1976 ng pirmahan ang PD1003 –
A kasi Hudyat ito ng pagsasabatas ng nasabing Academy
Kaya noong 1978 sa komunidad ng mga siyentipiko
Pumili mula sa iba’t ibang larang ang noon ay Pangulo (ng bansa)
Sampung magagaling para maging orihinal na miyembro
At sinundan na ito ng nominasyong Academician ang titulo
Bawat napipiling miyembro ay lubhang kinikilala
Sa pagiging experto o dalubhasa sa loob at labas ng bansa
Sa kani kanilang larang ay angat sa siyensa at teknolohiya
Kaya nararapat lamang ang titulong Academician sa kanila
Babanggitin din dito ang apat na mandato ng Akademiya
Bigyang pagkilala ang galing sa siyensa at teknolohikal na pananaliksik ng ating mga siyentista
Dahil sa sobrang kahusayan at dedikasyong ipinapakita
May insentibong nakasaad sa PD 10003-A para sa kanila
Sunod na mandato ay bilang grupong taga payo
Sa ating Pangulo at sa bumubuo ng gabinete nito
Basta may kaugnayan sa syensa at teknolohiya mismo
Nakasaad sa Executive Order 818 ang mandatong ito
Pagdidisenyo at paglulunsad ng mga proyekto at programa
Na magbibigay pagkilala sa mga produkto ng siyensa
Maging mga tradisyonal at pang-internasyonal na gawain talaga
Na siya naman talagang inaasahan bilang isang Akademiya
Sa huli, ang pamamahala, pagpapatakto at pagpapanatili
Nitong Philippine Science Heritage Act ay kasali
Sa ilalim ng Republic Act 9107 ay mandato pa ring masasabi
Nitong ating National Academy of Science and Technology (NAST-PHL)