Pinangunahan ni PCSO Assistant General Manager for Branch Operations Sector Atty. Lauro A. Patiag at Assistant General Manager Julieta F. Aseo ang isinagawang turnover ceremomy na halagang Php 67,074,210.96 sa ilang Government Institutions bilang partners at bahagi ng Mandatory Contributions.
Ito ay ginanap sa PCSO parking area Conservatory Bldg, Shaw Boulevard, Mandaluyong City nitong nakaraang araw December 28, 2021.
Ang mga tumanggap ng mandatory contributions ay kinabibilangan ng Philippine National Police (PNP), na kung saan tumanggap ng halagang Php 25, 877,837.88; National Bureau of Invstigation (NBI) na tumanggap naman ng halagang Php 6,764,003.19; Commission on Higher Education (CHED) na nakakuha naman ng halagang Php 24, 672, 535.90; Dangerous Drugs Board (DDB) nakatanggap ng 9,608,217.20; at ang Philippine Sports Commission (PSC) na nakatanggap din ng Php 151,616.79.
Ang PCSO hindi lamang umano nagbibigay pondo sa pamamagitan ng Mandatory Contribution sa mga government institutions, bagkus nagbibigay din sila sa mga indibidwal na nangangailangan ng medical assistance.
Sa mensahe ng kinatawan ng PNP, NBI, DDB, CHED at PSC, nagpasalamat ang mga ito sa PCSO sa patuloy na pagbibigay ng suporta sa kanila bilang mandatory contribution, na kung saan napakalaking tulong umano sa kanilang mga proyekto, programa at iba pang mga pangangailangan.
Ang nasabing seremonya ay dinaluhan nina: Assistant Gen. Manager, Branch Operations Sector Atty Lauro A. Patiag; Assistant General Manager, Charity Sector Julieta F. Aseo, at mga Representante mula sa Dangerous Drugs Board (DDB), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Sports Commission (PSC), Philippine National Police (PNP) at Commission on Higher Education (CHED). Hindi naman nakadalo si Vice Chairperson and General Manager Royina Marzan Garma dahil sa biglaang pagkakaroon ng meeting.