Pinangunahan ni Department of Agrarian Reform (DAR) Eastern Visayas Regional Director Robert Anthony Yu ang pagkakaloob ng pangunahing tulong sa dalawang (2) agrarian reform beneficiary organizations (ARBOs) na nasalanta ng bagyong Odette sa bayan ng San Francisco, Southern Leyte.
Nagdala ang team ng trapal, pagkain at inuming tubig para sa mga miyembro ng 2 ARBOs na kinabibilangan ng Tuno Farmers Multi-Purpose Cooperative at San Francisco Multi-Purpose Cooperative, na matinding tinamaan ng Bagyong Odette sa nasabing rehiyon..
Namigay din sila ng mga kamiseta at biskwit sa mga kabataang nakatira sa lugar.
Taos-puso ding nagpasalamat si Yu sa mga nagbigay ng tulong mula sa DAR Regional Office, at sa iba’t ibang tanggapang panlalawigan sa kanilang iba’t ibang pamamaraan ng pagbibigay ng tulong at panalangin para sa mga taga Southern Leyte. Ang DAR Samar Provincial Office halimbawa ay nagpahiram ng kanilang generator set sa DAR Southern Leyte.
Unang nag-landfall ang bagyong Odette noong Disyembre 16, 2021 at nagdulot ng pinsala sa anim na rehiyon sa bansa, partikular sa MIMAROPA (4-B), Western Visayas (6), Central Visayas (7), Eastern Visayas (8), Northern Mindanao (10). ) at Caraga na nagbigay pinsala ng bilyong halaga sa sektor ng agrikultura kung saan apektato ang mahigit 61,00 magsasaka at mangingisda.