image

Nilinaw ni OIC-Director Reildrin Morales ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa mga rabbit farmer/producers, na nanatiling ligtas ang ating mga rabbits sa sakit na Rabbit Hemorrhagic Disease (RHD) at walang outbreak na naitala sa mga oras na ito. Ang isyu sa mga napapabalitang mga rabbits na in-import mula ibang bansa na nagkaroon ng “reactions” gamit ang ELISA screening test ay hindi nangangahulugan na may sakit ang mga nasabing rabbit, lalo pa at sa kasalukuyan, ang mga ito ay nananatiling malusog sa quarantine site.

Ang pag interpret sa resulta kaakibat ng pag gamit ng ELISA ay nangangailangan pa ng karagdagang impormasyon mula sa bansang pinanggalingan nito. Nakipag-ugnayan na ang BAI sa mga kinauukulan tungkol sa bagay na ito. Para sa mga nag-aalaga ng mga rabbits, ipagpatuloy natin ang pagpapatupad ng tamang biosecurity protocols sa inyong farm o bakuran upang maiwasan silang madapuan ng anumang sakit.

Dagdag pa ni Morales, na ipagbigay alam agad sa pinakamalapit na tanggapan ng agrikultura (DA-Regional Offices) sa inyong mga lugar ang hindi pangkaraniwang pagkamatay o pagkakasakit ng inyong mga rabbits, o tumawag sa BAI Animal Health and Welfare Division (AHWD) hotline: 09951329339 (Globe) o 09208543119 (Smart).

­­­­­