Nagsanib Pwersa ang ilang grupo na kinabibilangan ng Philippine Smoke Free Movement (PSFM ), Social watch Philippines (SWP), Actibong Kilusan Tungo sa Iisang Bayan (ACTIB) Philippines at Actibong Kilusan Tungo sa Iisang Bayan (ACTIB) Philippines Youth, para isulong ang kampanya na SMOKE-FREE IS THE NEW NORMAL.
Ang nasabing Press Briefing ay may Temang: “SMOKE OUT! Setting Smoke – Free as a Priority Under the New Administration.”
Sa isinagawang Press Briefing, ito ay dinalunan nina: Xavier Peredo, National Coordinator ng PSFM; Dr. Maria Raquiza, Co-Convenor, SWP; Ernesto “Ka Erning” Ofracio, National Chairman, AKTIB; at Shaina Fernandez, National Spokesperson ng AKTIB, Youth.
Nanawagan ang grupo sa bagong administrasyon na suportahan ang kampanya na SMOKE – FREE IS THE NEW NORMAL. Kasama dito ang Smoke – Free Home, Smoke –Free Communities , Smoke – Free barangay at Tobacco- Free Universities and Schools (TOFUS).
Ayon kay Dr Maria Victoria Raquiza, mahigit 110,000 na Filipino ang namamatay dahil sa mga sakit na may kinalaman sa paninigarilyo. 210 B naman ang nawawala sa ating Ekonomiya, dahil umano sa mga sakit na may kinalaman sa paninigarilyo, kagaya ng Lung Cancer, chronic obstructive pulmonary disease, cerebrovascular disease, at coronary artery disease.
Sinabi naman ni Xavier Peredo na ang Philippine Smoke – Free Movement (PSFM) ang inisyatibo, ay isulong na maging 100% smoke free ang bansa. Pinangunahan din umano ng PSFM ang kampanyang SMOKE – FREE IS THE NEW NORMAL. Ang mga layunin nito ay:
(1.) Isulong ang pagsasabatas ng mga smoke-free policies bilang bahagi ng “new normal”
(2.) pababain ang smoking Prevalence
(3.) Maging mabisa ang programa ng mga Local Government Units (LGUs) at paaralan.
Dagdag pa ni Peredo, na ang PSFM ay isang napakalaking grupo, na may 77 MEMBERS, 50 SMOKE-FREE COMMUNITIES, at may 25 TOBACCO-FREE SCHOOLS & UNIVERSITIES.