image_thumb1

Sa pagbisita ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps sa tanggapan ni Mayor Jeri Mae Calderon nitong nakaraang July 28, 2022 para sa isang courtesy call, sinabi nito na  patuloy pa rin umano ang ugnayan ng Angono LGU sa Department of Science and Technology (DOST) pagdating sa mga magsasaka ng Angono New Normal Farmers Association (ANNFA).

Ito ang grupo ng mga senior citizen na nagtatanim ng gulay sa Hillsdale Subdivision, Barangay Botong Francisco, Angono Rizal. Na datirati sa likod lamang ng kani-kanilang bahay nagtatanim ng gulay ang mga magsasaka, hanggang sa sila ay tulungan ng isang mamamahayag sa kanilang lugar.  Bumuo sila ng grupo na tinawag ngayong (ANNFA).

Sa simula, inilapit ng mamamahayag ang ANNFA sa DOST-CALABARZON, DOST-Rizal, para  masuportahan ang mga pangangailangan, katulad ng mga binhi, kagamitan sa pagsasaka at pagbibigay ng seminar sa grupo. Katuwang dito ang Agricultural office ng  lokal na pamahalaan ng Angono.

Agad naman umaksyon ang DOST–CALABARZON at DOST-RIZAL. Katuwang ang pamahalaang lokal ng Angono sa pangunguna ni Mayor Jeri Mae Calderon, at sa tulong ng DOST- PCAARRD, naisakatuparan ang minimithi ng grupo na mabigyang sila ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng binhi, abono at kagamitan sa pagsasaka at linya ng tubig para pandilig ng halaman.

Sa mga una umanong pagaani, may mga dumadayo sa lugar para mamili at mamakyaw ng mga inaning gulay. Sa dami ng mga inaaning gulay nagbebenta na rin ang samahan hanggang sa mga palengke.

At ngayon, sinabi ng Alkalde, na ang Angono SM ay binigyan ang ANNFA ng lugar tuwing Biyernes para makapagbenta ng kanilang mga inaning gulay hanggang sa maubos ang paninda.

May mga lupa na rin umanong nakatiwangwang na iniaalok sa ANNFA ng may-ari ng lupa sa lugar para ipahiram sa grupo ng ANNFA na pansamantalang pagtatamnan ng gulay.

Sa darating na Agosto 3, ipagdiriwang ng ANNFA ang kanilang ikalawang anibersaryo na gaganapin sa mismong taniman ng gulay, may mga bisita rin umanong dadalo sa nasabing pagtitipon.