Sinisimulan na ngayong i-develop ng Munisipalidad ng Angono Rizal ang Life Industrial Park for Angono Dream (LIPAD). Ito ay bahagi ng Angono dream na pinasimulan ng dati pang Mayor na ngayon ay Vice Mayor Gerry Calderon at magkatuwang na isinasakatuparan ngayon mag amang Vice Mayor at Mayor Calderon. Ito umano yung dulo ng Baytown na bahagi ng Barangay kalayaan ng nasabing bayan.
Ayon kay Mayor Jeri Mae Calderon, ito ay isang napakalawak na lugar na pwedeng gawing kahalintulad ng BGC, na kung saan tatayuan ng iba’t ibang establisimiento at Commercial buildings, na gagawing business district ng Angono. Sa ngayon umano marami ng negosyante ang nakikipag-usap sa LGU, pero hindi pa nagsasara ang kanilang mga usapan,” ayon pa sa alkalde.
Sinabi pa ng Alkalde, na sa loob ng dalawang taon maari ng ring matapos ang programa ng probinsiya ng Rizal — ang Angono-Binangonan-Taytay Diversion Road. Kumbaga, lahat ng pupunta ng Laguna at Quezon province ay magiging mabilis na ang biyahe. At hindi lang pang sasakyan ang linyang ginagawa, pati na rin ang pang bisikleta. “Kung meron pong mga bikers, talagang magagamit nyo na po yan. Isa pa, na kapag natapos na ang Diversion Road na yan, marami na ang mag-iinvest sa bayan. Ano ba ang gusto ng mga investors, siyempre yung accesible sa lahat.”