Umabot sa halagang P11, 765.00 ang na-scam sa apat (4) na maliliit na negosyo ng pagkain sa Angono Rizal ng isang nagpakilalang Fernando Ablaza matapos umorder ng pagkain sa pamamagitan ng tawag sa talepono.
Halagang P2,300 na Takoyaki at Milktea ang inorder ni Ablaza mula sa Fiestakoyaki and Festeaval Cafe. Habang pizza pie at bottled water naman na nagkakahalaga ng P1,825.00 ang inorder mula sa Jhulz Simplydelish. Bukod pa riyan umabot naman sa halagang P2,440 ng ibat-ibang pagkain ang na-order sa Liberty Prod., at ang huli ang P5,200 halaga ng mga ulam, silog, milktea at iba pa na inorder naman sa Hiraya and Trabi Cafe.
Ang delivery ay ini-address sa Munisipyo ng Angono na nagpakilala bilang empleyado ng munisipyo, at binanggit pa anila na ang order ay para ipamahagi sa mga frontliners.
Agad namang ipinag-utos ni Mayor Jeri Mae Calderon na hanapin at papanagutin ang nagpakilalang si Fernando Ablaza. Mabilis naman itong ipinanawagan ni Vice Mayor Gerry Calderon sa kaniyang facebook live, na sinabing kung sino man ang makapagtuturo sa tunay na pagkatao ng nagpakilalang Fernando Ablaza ay bibigyan ng pabuya.
Matapos nito, pinasamahan at pina assitihan din ni Mayora ang apat na negosyanteng biktima ng scam sa presinto upang makapag blotter sa nangyaring insidente sa pulisya. Ganon pa man, binigyan pa din ni Mayor Calderon ang mga biktima ng inisyal na halaga na halos tigkakalahati ng mga halagang na-scam sa kanila upang tulong pambawi sa puhunan.
Nanawagan din ng mag-amang Mayor at Vice Mayor Calderon, na kailangang na tangkilikin ang mga food business establishments sa kanilang bayan at ginagarantiya nila na ang mga ito ay dekalidad at masarap ang mga produkto.