Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang paglulunsad ng KADIWA ng Pasko ngayong araw Nov. 16, 2022, na ginanap sa mismong City Hall Atrium. Nakiisa sa nasabing mahalagang okasyon ang anak ni Pangulong Bong bong Marcos Jr na si Mr. Simon Marcos.
Ang KADIWA ng Pasko ay isa sa proyekto ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na sa pamamagitan ng opisina ng Pangulo at ng Presidential Management Staff kasama ang Department of Agriculture (DA), na ang layunin ay dalhin ang mura subalit de kalidad na produkto sa mga San Juaneños at makatulong sa tumataas na presyo ng mga bilihin ngayong kapaskuhan.
Layunin din ng proyektong ito na isulong na mai-promote ang ani ng mga magsasaka at mangingisda ganon din ang produkto ng mga may-ari ng Micro, Small, and Medium Enterprise (MSMEs) . “We are very supportive of efforts like this that aim to help our fellow Filipinos not just to recover from the pandemic and increase their income, but make cheaper options accessible for our people,” Mayor Zamora declared and added, “In fact, we will also be having our annual Christmas bazaar in December so I’m inviting everyone to come here as well to help our small and medium business owners.”
Sa unang araw ng paglulunsad ng KADIWA ng pasko, umabot sa tatlongpung (30) exhibitors ang nakiisa, courtesy of Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Labor and Employment (DOLE).
Ang DA ang nangasiwa sa pagbebenta ng mga produkto na inani mula mismo sa mga magsasaka at mangingisda kagaya ng gulay, prutas, isda, itlog, at iba pa. DTI naman nangasiwa sa mga produkto ng MSMEs, at ang DSWD at DOLE ang nagdala ng mga produkto na mula sa mga piling benipesyaryo.
Ang KADIWA ng Pasko ay bukas mula 7:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon at magaganap sa tuwing payday para makabili ang mga San Juaneños ng murang pangangailangan sa bahay ngayong kapaskuhan.