Nasamsam ng mga alagad ng batas ang ₱1.1 million halaga ng hinihinalang shabu at naaresto ang 5 suspek, kasama ang isang menor de edad, sa isinagawang buy bust operation sa Marikina, City martes ng gabi.
Kinilala ng police ang mga suspek na sina: alias “Mark”, 26 taong gulang; “Ton”, 45 taong gulang; “Aya”, 32 taong gulang, mga walang trabaho. Ang tatlo ay nakatirang lahat sa Marikina City; Kasama rin si alias “Ci”, 31 taong gulang, na taga San Mateo, Rizal, at isang menor de edad.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon, nasakote ang mga suspek sa No. 84th Street, Goodrich Village, Bgry. Conception Uno sa ganap na 9:30 PM ng Martes .
Nakumpiska sa mga ito ang 165 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,112,000. Isa sa mga suspek ay babae, na agad namang dinala sa Marikina CPS office para sa kaukulang dokumentasyon at imbestigasyon.
Pagkatapos, ituturn-over ang mga ito sa Eastern Police District (EPD) Forensic Unit para sa drug testing.
Ang mga suspek ay kakasuhan ng violation of Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ang menor de edad na suspek ay dadalhin Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kanyang kostudiya.