Ang sikat na manlalaro ng NorthPort Batang Pier ng Philippine Basketball Association na si Robert Lee Bolick ay isang negosyante na rin.

Nitong nakaraang Enero 14, 2023 Sabado bandang 3:00 pm, pinasinayaan ang pagbubukas ng isang franchise na “Kurimi Milk Tea Bar” na pag-aari ng sikat na basketbolistang si Robert Lee Bolick, sa Ayala Malls Feliz, Unit 536, Level 5 Ayala Malls Feliz, J.P. Rizal St. Pasig City.

Matatandaang si Robert Lee Bolick ay dati ng sikat na basketbolista sa kanyang kapanahunan sa kolehiyo. Naging player siya ng San Beda Red Lions ng National Collegiate Athletic Association, naging miyembro din ng Philippine Men’s National Basketball Team, at marami pang iba. 

Sa panayam ng ilang mamamahayag at bloggers kay Bolick, natanong ito kung bakit Kurimi ang napili niyang franhcise. “Matagal na kaming magkakilala ni boss Richie, magagalit sa akin yon!” ang sabi niya. Tinutukoy niya si Ricardo Cuna, President at CEO ng Kurimi Milk Tea Enterprise Corp. “Nasa San Beda pa lang ako alaga na niya ako noon, at nung ini-offer niya yung chance na magtayo ng ganitong negosyo, hindi kami nag-alinlangan pa na subukan ito. Bedan bond kumbaga,” ayon pa kay Bolick.

Nag invest na rin siya ng maraming beses sa iba’t ibang negosyo, partikular, sa Real Estate. Alam din ni Bolick na pagdating sa pagtatayo ng Food business, masyadong risky ito. Subalit pagdating sa Kurimi, napapayag siyang mag-invest dahil ang nag introduce sa kanya nito ay dati niyang boss at matagal ng kilala na President at CEO ng Kurimi na si Richie Cuna. 

Dagdag pa ni Bolick, plano niyang magkaroon ng tatlo hanggang limang franchise nationwide. Balak niyang itayo sa kanilang probinsiya sa Ormoc Leyte ang pangalawang franchise, pero depende rin sa magiging outcome ng bago niyang negosyo, ayon pa kay Bolick. Sa ngayon di umano’y no. 1 priority pa rin niya ang kanyang career sa basketball.

image

image

image