image

Binisita ng ilan sa mga opisyal ng PaMaMariSan-Rizal Press Corps Officers ang opisina ni EPD Director PBGEN Wilson Asueta kamakailan. Napag-usapan sa pagbisita ng grupo ang drug cleared city o barangay at ilan pang mga issue.

Ayon Kay Gen. Asueta: Kung ikaw ay idiniklarang drug cleared city o barangay, hindi ibig sabihin na ang mga kapulisan ay hindi na mag ooperate dyan sa lugar. Ang advice ko sa mga drug enforcement team at mga kapulisan natin na nasa field, bantayang maigi ang mga drug cleared na seyudad at barangay, dahil, ang mga sindikato ay maaring mag take advantage sa nasabing sitwasyon.

Siguro iisipin nila na drug cleared na yan doon tayo mag operate. Sigurado magrerelax na ang mga iyan. Baliktarin natin ang sitwasyon ayon pa kay Gen, Asueta. Na kung drug cleared ang isang barangay, dapat mas maging vigilante ang mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at mga drug enforcement natin. Ang BADAC ang magbibigay ng mga updates, at kailangan maging aktibo ang kanilang partisipasyon,  partikular pagdating sa kanilang barangay.

Dagdag pa ng Heneral, na kung sakaling may papasok na bagong mukha sa barangay, at may mag operate na drug pusher, agad-agad kailangang maireport sa ating kapulisan para ma maintain ang drug cleared na barangay. So dapat talagang magsanib pwersa ang kapulisan natin at ang BADAC. Kapag nahuli yan sa kanilang barangay hindi ibig sabihin na hindi na kayo drug cleared, kasi may nahuli sa lugar ninyo. Ang punto doon, kaya nahuli yan ay dahil sa aktibong partisipasyon ng BADAC na gustong mai-maintain ang kanilang estado. Ayon pa kay PBGEN Asueta.

image