Sa pagdiriwang ng Valentines Day nitong nakaraang Feb. 14, 2023, ginanap ang “Grand Sizzle.” Magkasabay na inilungsad ng We Provide Corporation ang kanilang bagong produkto na “Alta Herbal Coffe” at ang kanilang Social Media Accounts: Facebook, Instagram, YouTube at Tiktok. Layunin nito na madagdagan ang produkto at mapalakas pa ang negosyo ng kumpanya.
Ang nasabing okasyon, ay dinaluhan ng mga partners ng We Provide Corporation nationwide at mga empleado ng kumpanya. Nag share ng kanilang karanasan ang ilang business partners, kung paano sila naging matagumpay sa kanilang negosyo na sina: Marvin Malig, Jimmy Baja, Eugie Moncal at Minnie Imperial. Binigyang parangal sa nasabing okasyon ang dalawang natatanging empleado na ibinuhos ang kanilang sarili sa pagtatrabaho at pag-gabay sa kanilang mga kasama bilang ka partner ng kumpanya. Kinilala ang dalawang awardee na sina: Christopher Lacsamana at Eugie Moncal. Bukod pa sa tinanggap na award, tumanggap din ang dalawa ng tokens mula sa presidente ng kumpanya na si Ms. Celeste Reyes.
Panoorin po natin ang seremonya ng pagbibigay parangal sa mga natatanging empleado ng kumpanya:
Ayon kay Ms. Celeste Reyes, Presidente ng We Provide Corporation, sa panahon ng pandemic, naitatag ang kumpanya at sa ngayon ito ay mayroon nang higit sa sampung libong partners nationwide at international.
Ang opisina ng We Provide Corporation ay matatagpuan sa # 35 Wilson St. West Greenhills, San Juan City.