Pormal nang nilagdaan ng Metro Manila Mayors, Metro Manila Development Authority (MMDA) at ng Land Transportation Office (LTO) ang isang Memorandum of Agreement (MOA) ukol sa Single Ticketing System na nakatakdang ipatupad sa susunod na buwan,
Ang nasabing MOA ay dinaluhan ng 17 Metro Manila Mayors sa pangunguna ni San Juan Mayor Francis Zamora bilang Presidente ng Metro Manila Council, Senior Deputy Executive Secretary Atty. Hubert Guevarra, LTO Chief Atty. Jay Art Tugade, (through Atty. Noreen San Luis-Lutey), MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes, and Sen. Francis Tolentino (former MMDA Chairman).
Napagkasunduan sa nasabing MOA signing, na ipatutupad ang single ticketing System sa darating na Mayo 2, 2023. Para ss pilot testing, 7 LGU’S muna ang magpapatupad nito na kinabibilangan ng: San Juan, Muntinlupa, Quezon City, Valenzuela, Parañaque, Sila ay ang mga nauna sa paghahanda sa magiging sistema kasama ang MMDA.
Matatandaang una ng nilagdaan ng 17 alkalde sa buong NCR ang Metro Manila Traffic Code of 2023, na nagpapahintulot at tumutukoy sa 20 common traffic violations na may karampatang multa sa mga lalabag dito. Layunin ng bagong Sistema na tiketan ang mga lumalabag sa batas trapiko sa buong National Capital Region (NCR) na may bilang na 17 Local Government Units. Na sa sandaling malagdaan ito, hindi na mahihirapan pa ang mga motorista na lalabag sa batas trapiko, para sa pagbabayad ng kanilang multa, dahil kung saang LGU sila naninirahan doon na rin sila magbabayad. Maaari rin silang magbayad ng kanilang multa sa pamamagitan ng digital payment flatforms at e-wallets.
Ang nasabing MOA signing ay ginanap sa Conference Room, 19th floor, MMDA New Bldg., Julia Vargas Ave., Pasig City kahapon April 13, 2023.