Isinusulong ngayon ng ilang experto sa medisina na maging legal ang paggamit ng cannabis o marijuana, para gawing gamot ng mga may malalang karamdaman.
Sa ginanap na media forum kaninang umaga, Abril 17, 2023 sa isang restaurant sa Quezon City, inihayag ni Dr. Gem Mutia, Chairman of the Philippine Society of Cannabis Medicine, na 10 taon na nilang isinusulong ang medical cannabis. Halos 7 magkaparehong bills ang nakapending ngayon sa House of Representative at may counter bills pa sa Senado. Sana ma sertipikahan na bilang urgent bill ang mga ito, ayon pa kay Dr. Mutia.
Sinabi pa ni Mutia, “FDA (Food and Drug Administration)-approved active imported Cannabinoid ingredients of cannabis or marijuana, have proven benefits.” “Ang mga gumagamit ng medical cannabis ay bumababa ang smoking habit. At may mga doktor at pulitiko rin na walang alam halos sa medical cannabis,”dadag pa ni Mutia.
Ayon naman kay Chief Executive Officer Dr. Richard Nixon Gomez ng Bauertek Corporation, ang marijuana o medical cannabis ay isang halamang gamot na legal ng gamitin bilang gamot sa mga may malalang karamdaman katulad ng diabetes, lupus, glaucoma, cancer, pagkahilo, at marami pang iba karamdaman.
Ito ay ginagamit na ng bansang Thailand, France, Romania, Australia, Brazil, Argentina at marami pang iba. Dagdag pa ni Dr. Gomez, ang gumagamit ng medical cannabis ay nakakitaan ng magandang pag uugali, kumpara sa mga nalalasing sa alak. Ang mga taong nalalasing sa alak ay nagwawala at laging gulo ang hanap. Samantalang ang gumamit ng cannabis ay nagiging masayahin at magana kung kumain, ayon pa kay Dr. Gomez.
Sinabi pa ni Gomez, na mayroong pharmaceutical companies ang nag lolobby laban sa paggamit ng medical cannabis. Sa kabilang banda sina Cong. Ace Barbers, chairman of Congressional oversight Committee on Dangerous Drugs, ay pabor sa Medical cannabis. Si Robin Padilla ay suportado rin ang medical cannabis.
Ilang tanyag na personalidad na rin ang gumamit ng medical cannabis bilang gamot. Isa na rito ang dating Presidente ng America na si Barack Obama, at sina Arnold Schwarzenegger, Tedros Gnebreyesus ng World Health Organization, at si Dalai Lama.
Ayon sa proposed House Bill (HB) 241 (2022) at proposed Senate Bill (SB) 230 (2022). Ang medical cannabis ay maaari lamang gawing bilang capule at langis. Maaari lamang ireseta ng isang doctor na may S2 licence. Ito ay maari lamang ireseta sa isang pasyente na may karamdaman na nangangailangan nito. Ang doctor ay kailangang maglagay sa data base ng PDEA sa lahat ng kanyang reseta. Ang lahat ng pasyente ay may sariling QR code at nasa data base din ng PDEA. Ang cannabis medicine ay matatagpuan lamang sa tertiary government hospitals katulad ng Philippine General Hospital at East Avenue Medical Center. Hindi ito matatagpuan sa mga botika. Ang taniman ng cannabis ay sa government property lamang dapat. Hindi pahihintulutan ang sinuman na magtanim ng cannabis. Bawal ang paghawak, pag-alaga at pagamit nito. Tanging ang pasyente na nakalista lamang sa PDEA data base ang maaaring makabili ng cannabis medicine na maaaring capsule o langis.