Pinangunahan pa rin ni Dr. Richard Nixon Gomez, BAUERTEK General Manager / Scientist Inventor, ang isinagawang BAUERTEK Media Health Forum na ginaganap tuwing lunes 10am –11am sa isang restaurant sa Quezon City.
Sa ginanap ng Media Health Forum, sinabi ni Dr. Gomez “ Ako po ay experto pagdating sa halamang gamot. Marami pong halaman na ginagawang gamot, kasama na po diyan ang marijuana. Kapag ginawang gamot ang tawag na po dyan medical cannabis. Marami na po ang natutulungan nito. Sa ngayon marami ang naghihirap sa ating mga kababayan dahil sa kanilang karamdaman. Subalit ipinagkakait pa rin ito ng ating gobyerno samantalang ito ay inaprubahan na ng United Nations, at World Health Organization(WHO). Ginagamit na rin ito sa napakaraming advanced na bansa. Sa Pilipinas, nagmamarunong po tayo, dahil hindi pa raw ito effective, at hindi pa daw napatunay, samantalang aprubado ito sa maraming bansa. Nagbubulag-bulagan pa tayong mga Pilipino.”
Nagbigay naman ng special lecture si Dr. Gem Mutia ng Philippine Society of Cannabinoid Medicine para lubos na maunawaan ng mga dumalo sa nabangit na forum ang kahalagahan ng Marijuana bilang halamang gamot. Halos 100 uri na umano ng karamdam ang nalulunasan mula sa iba’t bansa na legal ng gumagamit ng medical cannabis. Sinasabing, ang marijuana ang unang inaalagaan ng mga unang tao noon dahil ito ay ginagamit na gamot sa mga may malalang karamdaman dalawangpung libong (20,000) taon na ang nakakaraan.
Dagdag pa ni Dr. Mutia, sinabi ng World Health Organization na ang cannabis ay hindi nakamamatay bagkus ito ay nakapagpapagaling. Sa mga gumagamit ng alkohol at sigarilio, ang cannabis o marijuana ay mas mababa ang rate ng addiction at maganda ang dulot o nakukuhang benepisyo sa mga gumagamit nito, ito ay base na rin sa isinagawang survey ng mga dalubhasa.
Legal technically ang pag-iimport ng medical cannabis. Senate Bill No. 230 filed by Senator Robinhood Padilla proposed the legalization of medical cannabis. Reps. Pantaleon Alvarez and Tonypet Albano proposed the decriminalization of cannabis. Former President Rodrigo Roa Duterte, and former President Gloria Macapagal-Arroyo ay gumamit na rin ng medical cannabis para sa kanilang health conditions.
Sa isinagawang 2019 survey ng Philippine Anti-Illegal Drugs Strategy, 6 sa 100 Pilipino na may edad 10-69 years old ay sumubok na tumikim ng dangerous drugs sa kanilang buong buhay. 2 naman sa 100 Pilipinos na may edad na 10-69 ay gumagamit ng dangerous drugs sa panahon ng kanilang interview. Kung nagkaroon man ng resulta o wala ang isinagawang survey ang Philippine Society of Medical Cannabinoid ay patuloy pa rin na isinusulong ang legalisasyon ng medical cannabis. Ayon pa kay Dr. Mutia.
Taong 2022, umabot na umano sa 29,000 articles ang na i-publish hingil sa medical cannabinoid, subalit bingi pa rin ang karamihan sa mga nasa gobyerno, kongreso at senado. Kaya patuloy pa rin ang panawagan ng mga advocates ng medical cannabis sa pangunguna ni Dr. Richard Nixon Gomez at Dr. Gem Mutia, na suportahan ng publiko ang pagsasabatas ng medical cannabis o marijuana sa Pilipinas.