image

INANUNSYO ng Manila Electric Company (Meralco) kamakailan na magkaroon ng BAWAS  na 0.7213 per kWh sa electricity rate nitong buwan ng Hulyo.

kapag naipatupad ito, ang magiging overall rate para sa tipikal na household user ay magiging P11.1899 per kWh mula sa P11.9112 per kWh noong buwan ng Hunyo.

Para naman sa mga residential customer owners na kumokonsumo ng 200 kWh, aabot sa P144 ang mababawas sa total electricity bill kada buwan.

Ayon sa Meralco, bumaba sa dalawang (2) magkasunod na buwan ang generation charge ng P0.6436 per kWh sa P6.6066 per kWh ngayong Hulyo mula sa dating P7.2502 per kWh noong Hunyo..

Maging ang Charges mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) ay bumaba sa P2.6597 per kWh dahil sa pagbaba ng demand noong PANAHON ng tag-ulan.

Bumaba rin ang imposition ng secondary price cap sa 9.21% mula sa 28.28%. Ang WESM share ay mas mataas sa buwan ng Hunyo ng 15% ng total energy requirement ng Meralco.

Naging Sanhi rin ng pagbaba ang reduction ng charges sa Power Supply Agreement at Independent power producer, appreciation ng piso at ang pagbaba ng transmission charge Kabilang ang taxes.