Pinasinayaan kamakailan ang pagtatayuan ng pinakamalawak na pasilidad ng BAUERTEK Corporation sa kasaysayan ng Pilipinas at buong mundo. Ito ay may lawak na 16 ektaryang lupain na ang gugugulin sa pagtatayo ng pasilidad ay nagkalaga ng PHP2.75-Billion. Sa CLSU compound itatatag at itatayo ng Bauertek ang multi-million dollar na pasilidad. na pinakamalaki at pinaka moderno ang kagamitan, na pupwedeng ihanay sa buong mundo.
Sa ginananap na Groundbreaking Ceremony nitong nakaraang araw November 18, 2023, sinabi ni Bauertek President Dr. Rigel Gomez sa kanyang mensahe na dito magmamanufacture sa itatayong laboratoryo, at mag-eextract at mag cucultivate ng mga halamang gamot. Dito rin gagawin ang research and development ng mga herbal plants para sa medical porposes.
Ayon kay Bauertek, General Manager Dr Richard Nixon Gomez, ang kolaborasyon ng dalawang panig ay tiyak na makapagbibigay ng malaking oportunidad sa mga research ng mga estudyante ng nasabing unibersidad. Magagamit din ang malawak na lupain ng CLSU para sa mga kapakipakinabang na proyekto sa tulong ng Bauertek Corp.
Dagdag pa ni Dr. Gomez, habang hindi pa naisasabatas ang legalisasyon ng marijuana sa bansa, ito ay magsisilbi munang herbal processing center for medical purposes. Mula sa pagtatanim ng mga halamang gamot hanggang sa pagmamanufacture para maging gamot sa iba’t ibang uri ng karamdaman.
Sakali naman na maging legal na ang medical cannabis sa ating bansa, meron na umanong pagtataniman nito para gawing medical cannabis. Ipapanukala ni Dr. Orden na ang mga magsasaka sa nasabing lalawigan ang magtatanim at maga-aalaga ng halamang gamot na marijuana. Ito ay bibilhin ng Bauertek sa mga magsasaka para gawing cannabis oil o halamang gamot na marijuana na gamot sa mga may sakit na epilepsy at iba pang uri ng karamdaman.
Kilala ang Bauertek sa pagiging mahusay at excellente pagdating sa pagsusuri ng iba’t ibang halamang gamot. Naging tanyag din ang Bauertek dahil sa World-Class na pagproseso ng mga halamang gamot lalo na sa pag-extract ng mga compound at pagku-cultivate ng iba’t ibang uri ng halaman. Subalit sa kabila nito, patuloy pa rin ang Bauertek sa pagnanais na lalong mapaghusay pa ang Research and Development nito.
Matatandaang noong nakaraang Nobyembre 13, 2023, nagsanib puersa ang Bauertek corporation at Central Luzon State University (CLSU), at lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang dalawang panig, para bigyang bisa ang kasunduan. Sa panig ng CLSU, pinangunahan ni CLSU President Edgar A. Orden, at CLSU Vice President for Business Affairs Dr. Ariel Mactan ang paglalagda at sa panig ng Bauertek Corporation. Si Bauertek President Rigel Gomez at Bauertek General Manager Richard Nixon Gomez ang nanguna dito.
Ang ginanap na groundbreaking ceremonies ay dinaluhan nina: Bauertek General Manager Dr. Richard Nixon Gomez; Bauertek President Dr. Rigel Gomez; CLSU President Dr. Edgar Orden; DOST Region III Director Dr. Julius Caesar Sicat; Muños City Mayor Baby Armi Lazaro-Alvarez; DA-BAR Director Junel Soriano, Dr. Marq Mutia, ilang opisyal ng Science City of Muños, PDEA, advocates, mga bisita at iba pa. Nagsilbing emcee naman sina: PAPI President Nelson Santos at Naturopath & Radio Broadcaster, KsK Ms. Melanie Baun.