image

Sa pangunguna ni PMGEN JOSE MELENCIO C. NARTATEZ, JR, Regional Director, isinagawa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang Tradisyunal na Flag Raising at Awarding Ceremony noong Agosto 12, 2024, sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City. Ang seremonya ay pinangunahan ng Regional Plans and Strategic Management Division.

Binigyang-pagpupugay sa seremonya ang natatanging kontribusyon ng mga tauhan ng NCRPO sa iba’t ibang mahalagang operasyon, lalo na sa walang humpay na kampanya laban sa iligal na droga at kriminalidad.

Para sa matagumpay na operasyon kontra iligal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto ng ilang indibidwal dahil sa paglabag sa R.A. 9165 at pagkakasamsam ng malaking bilang ng iligal na droga, iginawad ang Medalya ng Kagalingan sa mga sumusunod na tauhan: PCPT GENERE CANSINO SANCHEZ, NPD; PCPL Richard Oavenga Fabul, SPD; PCPL Mario Ramos Guillermo, QCPD; PCPL Rey Fullante Palaming; MPD, PAT Ronald Betonio Dineros, NPD; PAT Louie Romero Briones, RDEU; PAT Arnel Ocumen Gabatino, SPD;

Para naman sa mga operasyon kontra kriminalidad na nagresulta sa pagkakaaresto ng Most Wanted Person at pagkakasamsam ng mga iligal na baril at bala, iginawad ang Medalya ng Kagalingan sa mga sumusunod na tauhan: PMAJ DAVE FERRAZ GARCIA, MPD; PSSG Andres Quilang Manauis, EPD; PAT Leo Angelo Chavez Lucero, QCPD.

Sa kanyang talumpati, muling binigyang-diin ni PBGEN ROLLY S. OCTAVIO, CRS, NCRPO, ang mga direktiba mula sa Regional Director at Chief, PNP, kasama na ang mahahalagang update at inisyatiba. Ipinabatid niya na simula Agosto 5, 2024, lahat ng PNP uniformed personnel ay kailangang magsuot ng itinalagang uniporme. Hindi na rin kinakailangang sumailalim sa drug test o psychological exam ang mga aktibong militar at pulis para sa aplikasyon o renewal ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF). Kailangan lamang magpakita ng valid na PNP ID.

Pinapayuhan ang lahat ng yunit na suriin ang cost-effectiveness, taktikal na bentahe, at pagiging angkop ng mga isinusulong na uniporme o kagamitan, na dapat ay may minimum na limang taong paggamit. Sa inaasahang pagbuo ng low-pressure area na maaaring maging bagyo, inaatasan ang mga yunit ng NCRPO na maagap na magtatag ng incident command post at i-activate ang Disaster Incident Management Task Group (DIMTG).

Dagdag pa rito, pinaalalahanan ni PBGEN OCTAVIO ang mga tauhan na iwasang mag-click sa mga kahina-hinalang ad at tiyakin na lehitimo ang mga URL. Simula Oktubre 2024, ipinagbabawal na ang sentimental journeys at ang retirement honors para sa mga PNP Star-ranked officers ay gaganapin sa kanilang kasalukuyang opisina/yunit.

image

image