LARGA!
Column by: Irwin Corpuz
Ito ang tinuran ni NEWLY NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE (NCRPO) DIRECTOR, MAJOR GENERAL SIDNEY HERNIA sa naging talumpati niya matapos pangasiwaan ang OATH TAKING ng mga bagong opisyales ng NCRPO PRESS ASSOCIATION nitong Martes (October 15, 2024) na ginanap sa CAMP BAGONG DIWA, BICUTAN, TAGUIG CITY.., na ang lahat ng mga pulis ay marapat na maging knowledgeable sa teknolohiya para sa mabilis na pagresponde sa mga gampanin ng ating LAW ENFORCERS.
Para sa ating mga mambabasa.., ang kahulugan ng salitang TECHY ay ipinatutungkol sa taong marunong o bihasa sa larangan ng sopistikadong teknolohiya.., lalo na’t sa panahon natin ngayon ay mga modernong gadget na ang hinahawakan ng mga tao, maging mga bata o matatanda ay may mga sariling celfone, computer, laptop, mga sopistikadong camera at communication gadgets.
Si MAJ. GEN. HERNIA ay kabilang sa PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY – TANGLAW- DIWA CLASS 1992 na ito ang nagkamit ng pagiging MAGNA CUM LAUDE sa MILITARY SCIENCE DEGREE at ang huli nitong position na pinangasiwaan ay ang pagiging PNP-ANTI CYBERCRIME GROUP (ACG) DIRECTOR na nitong October 9, 2024 ay normal na isinalin sa kaniya ni MAJ. GEN. JOSE MELENCIO NARTATEZ JR ang pagiging NCRPO ACTING CHIEF dahil ang huli ay na-promote sa posisyon bilang PNP-DEPUTY CHIEF FOR ADMINISTRATION.
Sa pagiging TECHY ni MAJ. GEN. HERNIA ay naging malaking instrumento ang pinangasiwaan niyang ACG sa pagtunton at pagkabuwag ng ILLEGAL POGO sa BAMBAN, TARLAC at sa PORAC PAMPANGA na aniya ang successful ng operations ay hindi lamang achievement ng kanilang unit kundi achievement ito ng buong PNP OPERATIVES.
Sa pagiging NCRPO OFFICER-IN-CHARGE ni HERNIA ay nilalayon nitong maging TECHY ang lahat ng mga pulis sa buong METRO MANILA.., kaya naman may mga batch na ng mga pulis ang sumasailalim sa TECHNOLOGICAL TRAINING para magamit sa mabilis na proseso at pagresolba ng iba’t ibang kriminalidad.
Sa OATH TAKING ng NCRPOPA ay naihayag din ni HERNIA na hindi niya sasaklawan ang mga REPORTER para sa malayang pamamahayag na inihayag naman ni NCRPOPA PRESIDENT LEA BOTONES ng diyaryong REMATE na mapalad ang grupo dahil ang bagong OIC ng NCRPO ang nangasiwa ng seremonya at sa larangan ng mga pagbabalitaay mananatili ang magandang samahan ng mga pulis at mediamen na lahingbiiral ang patas na pamamahayag.
Ang mga nanumpang bagong opisyales ng NCRPOPA ay sina PRESIDENT LEA BOTONES; VICE-PRESIDENT NEIL ADRALES ng DAILY TRIBUNE; SECRETARY NEP CASTILLO ng BRABO NEWS; TREASURER IRWIN CORPUZ; SGT. AT ARMS RAFFY RICO ng NOON BREAK BALITA at FRED SALCEDO ng DPR TV; BOARD OF DIRECTORS JOSEPH MUEGO ng MANILA STANDARD; GINA PLENAGO ng BULGAR; JOJO SADIWA ng POLICE FILES TONITE; NOLAN ARIOLA ng RADIO VERITAS at LEADER NEWS PHILIPPINES; FRANCIS SORIANO ng SAKSI; at si LORENZ TANJOCO ng RADYO PILIPINAS.
— 000 —
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com
para sa inyo pong mga panig.