QUEZON CITY — Nakatakdang ganapin ang 2025 World Slasher Cup Invitational 9-Cock Derby sa darating na lunes Enero 20 hanggang 26 sa Smart Araneta Coliseum. Magkakaroon ng isang araw na pahinga sa Biyernes, Enero 24.
Isang espesyal na kaganapan ang isinagawa sa isang hotel sa Cubao, Quezon City nitong Sabado Enero 18, kung saan dumalo sina Dr. Trisha Martinez (2nd runner-up Bb. Pilipinas), Jasmin Bungga (Bb. Pilipinas 2024), at Myrna Esguerra (Bb. Pilipinas Universe 2024).
Ang prestihiyosong sabong na ito ay inorganisa ng Pintakasi of Champions at dadaluhan ng mga kilalang sabungero tulad nina Mike Formosa, Butch Fabro, George Cadoy, Ruben Formosa, Dicky Lim, Freddie Nazareth, Margie Marena, Guy Antolin, James Uy, Rene Anao, Engr. Toni Marfori, at Cong. Archie Lacson.
Kasama sa mga pangunahing sponsor ng event ang Emperador, Fundador, Petron Blaze, at Thunderbird.
Ayon kay Joey Sy, dating presidente ng Rizal Game Fowl Breed Association at host ng Bakbakan Na TV (BNTV), ang sabong ay isang masayang libangan na nagbibigay ng excitement, katulad ng paglalaro ng bingo. Dagdag pa niya, ang industriya ng sabong ay malaki ang naiaambag sa ekonomiya at turismo ng bansa.
Hinimok ni Sy ang mga sabong enthusiasts na makilahok sa pagbubukas ng pintakasi sa Lunes, Enero 20.
Samantala, ayon naman kay Engr. Tony Marfori, malaki umano ang papremyong maaaring mapanalunan na aabot sa 15 milyong piso.