Matagumpay na naisagawa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), sa pangunguna na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang Seminar-Training sa Pagsasalin noong 27-28 Pebrero 2025 sa Tanghalang Nicanor Abelardo, Provincial Capitol Compound, Bulacan.
Nakilahok sa pagsasanay ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang paaralan, kolehiyo, at unibersidad sa lalawigan kasama na ang mga kinatawan mula sa Panlalawigang Tanggapan ng Kasaysayan, Sining, Kultura, at Turismo (PHACTO) na siya ring nag-organisa upang maisakatuparan ang gawain. Nagsilbing mga tagapanayam-tagapagsanay ang mga kinatawan mula sa KWF-Sangay ng Salin na sina . Bukod sa pagbibigay ng mga kalaamang at mga napapanahong kalakaran sa pagsasalin sa mga kalahok, naging pokus din ng pagsasanay ang pagkakaroon ng salin sa Filipino ng iba’t ibang materyales na ginagamit ng mga kalahok sa kanilang mga institusyon.
Nagpahatid din ng mensahe ng pasasalamat ang tagapangulo ng KWF na si Dr. Arthur P. Casanova, Bise Gobernador ng Bulacan na si Kgg. Alexis C. Castro, at Nanunungkulang Puno ng PHACTO na si May Arlene DG. Torres.
Ang pagsasagawa ng mga seminar-training sa pagsasalin ay isa sa mga palagiang gawain ng KWF na pinangugunahan ng Sangay ng Salin. Layunin nitong makapagbigay ng mga kaalaman, kasanayan, at maging mga napapanahong kalaakaran sa wika at pagsasalin (capacity building) sa mga empleado ng pamahalaan at maging sa iba pang nais na makilahok sa pagsasanay.