image

Sama-samang nagkaisa ang ibat-ibang malalaking samahan ng Muslim upang piliin ang kanilang ieendorso sa pagka senador ngayon May 12 elections.

Tinukoy ni 1 Bangsamoro Movement president Alan Balangi ang kanilang iendorso at sinusuportahang 10 senatorial candidates na kinabibilangan nina Subair Mustapha, Amirah Lidasan, Bong Go, Bato dela Rosa, Camille Villar, Rodante Marcoleta, Pia Cayetano, Gringo Honasan, Vic Rodriguez at Bam Aquino.

Ayon kay Balangi, napili ang nabanggit na senatorial aspirants bunsod ng kanilang pagtuon sa peace and order, pag prayoridad sa kapakanan ng mga Muslim, tunay na may malasakit partikular sa Mindanao.

Nagdaos din anila ang kanilang mga lider Muslim ng mga serye ng dayalogo upang alamin ang kanilang mga opinyon at pananaw kung sinong mga karapat dapat piliin ngayong nallapit sa halalan sa pagka senador.

Bukod pa rito sinuportahan din ng grupo ang Apat Dapat Partylist na nakahandang tumulong at iangat ang kapakanan ng bawat Muslim.

Dumalo sa ginanap na pulong balitaan sa Kamuning Bakery Café ang ilan sa mga kilalang lider Muslim sa bansa, kabilang sina: Alim/Sultan Saad Amate, president ng United Imam of the Phils.; Sultan Amoden Abdulmadid, secretary general ng Confederation of Royal Sultane of Lanao; Sultan Olo Racman, president ng United Muslim Leaders (UML); Amro Rasul, chairman ng Bangsamoro Communities Outside BARMM; Imam Nasser Mimbala, secretary general ng Federation of BCOBAR at Datu Nabil Bayahbao, president ng Bangsamoro Traders Association (BTA).

Naniniwala ang mga samahang Muslim na matibay at nagkakaisa ang kanilang hanay upang manalo ang mga kandidatong kanilang sinusuportahan sa Senado, gayundin ang kanilang napiling partylist ngayong Mayo.

image