image

May 8, 2025 Caucus night Brgy. Kalawaan, Pasig

PASIG CITY — Nangako si mayoralty candidate Sarah Discaya ng makabago at makataong mga proyekto para sa Lungsod ng Pasig sakaling siya ay mahalal sa darating na halalan sa Mayo 12.

Prayoridad ni Discaya ang pagtatayo ng isang makabagong 11-palapag na ospital na may kompleto at mabilis na serbisyong medikal, kabilang na ang libreng CT scan, MRI, at laboratoryo, bukas 24/7. Layon din ng proyekto ang pagpapatupad ng zero billing o walang gastos sa pagpapagamot para sa lahat ng Pasigueño, gaya ng ipinatutupad sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat at South Cotabato.

Bukod dito, ipapatupad din ni Discaya ang plano na magpatayo ng hiwalay na ospital para sa mga senior citizen at pagbibigay ng libreng maintenance na gamot, alinsunod sa mga modelo ng Makati at Taguig.

Kasama rin sa mga pangunahing proyekto ng kanyang grupo na Team Kaya This ang mga sumusunod:

  • Bagong pampublikong palengke sa Pasig na may kasamang transport terminal

  • Kalawaan Bridge upang mapabilis ang daloy ng trapiko

  • Libreng pabahay para sa mga mahihirap na pamilya

  • Bagong silid-aralan na gumagamit ng malinis at ligtas na enerhiya

  • Pagtatayo ng isang 11-palapag na gusali para sa unibersidad, isang 7-palapag na high school, at high-tech na elementarya

  • Libreng scholarship para sa mga estudyanteng kapos sa buhay

  • para sa lahat ng estudyante sa mga pampublikong paaralan

Bahagi rin ng kanyang plano ang pagtatayo ng isang Central Command Base para sa sensor-based traffic system, mabilis na tugon ng pulisya at mga emergency services.

Layunin ni Discaya na gawing Smart City ang Pasig kung saan digital na ang mga serbisyo sa bagong city hall. Palalakasin din ang aerial firefighting, at gagawing People’s Park ang kasalukuyang Pasig Rotonda.

Dagdag pa sa kanyang mga plano ang:

  • ₱5,000 Christmas gift para sa mga senior citizen

  • ₱3,000 Christmas gift para sa mga Persons with Disability (PWDs)

  • Paglikha ng mas maraming trabaho at kabuhayan sa isang eco-friendly na Pasig

 sinabi pa ni Ate Sara: “Pagtatrabahuhin natin ang teknolohiya para sa inyo, para sa inyong mga anak, at para sa inyong kinabukasan.”

image