image

PASIG CITY — Nangako si mayoral candidate Sarah Discaya na magtatayo ng bagong 11-palapag na pampublikong ospital sa loob ng dalawang taon kung siya ay mahahalal sa halalan sa Mayo 12. Ang ospital ay itatayo sa Barangay Pinagbuhatan, partikular sa lugar ng Sandoval, at magbibigay ng libreng CT Scan at MRI na available 24/7.

Sinabi ni Discaya na hindi na kailangang maghintay ang mga pasyente sa monoblock na upuan. Lahat ng Pasigueño ay makikinabang sa “zero billing” o libreng pagpapa-ospital, na kinuha ang inspirasyon mula sa programang ipinatupad sa South Cotabato.

Sa ilalim ng administrasyon ni Discaya, ang mga barangay health center sa buong Pasig ay magiging bukas 24/7 upang mas mabilis at mas malapit ang serbisyong medikal sa mga residente.

Para sa mga senior citizens, ito ang mga benepisyong ipatutupad: Libreng maintenance medicine na ihahatid direkta sa kanilang mga tahanan, Mobile health vans para hindi na kailangang pumunta sa ospital, Burial assistance na mula ₱5,000 ay magiging ₱10,000, ₱500 social pension kada buwan, at Pamaskong handog na mula ₱3,000 ay magiging ₱5,000 simula Disyembre.

Ang Pasig ay magiging PWD-friendly. Magkakaroon ng: Libreng therapy at assessment para sa PWDs, Mas mabilis na serbisyo nang hindi na kailangang pumila sa City Hall.
Ipapasa ng Sangguniang Panlungsod, sa pamumuno ni Discaya, ang isang ordinansa na mag-uutos sa lahat ng negosyo sa lungsod na tumanggap ng: Senior citizens, Solo parents, Persons with Disabilities (PWDs), Tao na may espesyal na pangangailangan.

Magkakaroon din ng “Handle with Care Committee” na tututok sa kapakanan ng mga nakatatanda sa lungsod.

Ilulunsad ni Discaya ang programang “Aksyon sa Pagbasa” para sa mga estudyante sa pampublikong paaralan mula Grade “Aksyon sa Pagbasa” . Sakop ng programa ang, Libreng tutorial (1 oras kada araw sa loob ng 20 araw), Libreng bigas para masigurong may pagkain sa kanilang tahanan

Si Sarah Discaya ay Chief Financial Officer ng St. Gerrard Construction General Contractor and Development Corporation (SGC). Kasama ang kanyang asawang si Curlee Discaya, pinamumunuan nila ang kompanyang may 10,000 empleyado sa buong bansa na halos 99% ay pasigueño.

Siya ay tumatakbo sa ilalim ng “Kaya This Team”, na isinusulong ang tapat, bukas, at makataong pamahalaan, kung saan kitang-kita ng taumbayan ang daloy ng pondo at serbisyo.