Muling magbabalik ang isa sa pinakaaabangang paligsahan sa mundo ng sabong — ang World Slasher Cup-2 Invitational 9-Cock Derby, na gaganapin mula Mayo 21 hanggang Mayo 27, 2025 sa prestihiyosong Smart Araneta Coliseum.
Sa ginanap na press conference nitong nakaraang sabado, Mayo 17, Inaanyayahan ng mga tagapagtaguyod ng paligsahan ang lahat ng mga beterano at baguhang sabungero na makiisa sa prestihiyosong event na ito, na kilala hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
Opisyal na Iskedyul:
-
Mayo 21 (Miyerkules): Eliminations Day 1 – 2 Cock
-
Mayo 22 (Huwebes): Eliminations Day 2 – 2 Cock
-
Mayo 23 (Biyernes): Semi-Finals Day 1 – 3 Cock
-
Mayo 24 (Sabado): Semi-Finals Day 2 – 3 Cock
-
Mayo 25 (Linggo): Pahinga
-
Mayo 26 (Lunes): Pre-Finals – 4 Cock
(Para sa may 2–3.5 pts) -
Mayo 27 (Martes): Grand Finals – 4 Cock
(Para sa may 4–5 pts)
Paalala sa mga Kalahok:
Hinihikayat ang lahat ng lalahok na agad ipagbigay-alam ang napiling petsa ng kanilang Elimination Schedule upang maisagawa ang maayos at maagap na Cock House Reservation. Mahalaga ang koordinasyon upang matiyak ang kaayusan at tagumpay ng kabuuang paligsahan.
Ang World Slasher Cup ay patuloy na nagbibigay-daan sa pagkilala sa mga pinakamahusay na manok panabong at breeders sa bansa at sa buong mundo. Tiyak na magiging isa na namang makasaysayang linggo ito para sa mga tunay na tagasubaybay ng sabong.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa mga opisyal ng World Slasher Cup o sa Smart Araneta Coliseum.