Santa Clara, California — Muli na namang pinatunayan ng mga Pilipinong imbentor ang kanilang galing matapos mag-uwi ng tatlong gintong medalya sa katatapos lang na 4th Silicon Valley International Inventions Festival na ginanap noong Agosto 8–10, 2025 sa Silicon Valley Convention Center.
Mga Gintong Gantimpala:
– Unsinkable PortaBoat – Imbentor: Ronald Pagsanghan, Ph.D.
– Sambacur Plus – Imbentor: Richard Gomez, CNP at Rigel Gomez, CNP
– Sultana Digital Rice Vendo Machine – Imbentor: Jefferson Ong
Nagbigay-inspirasyon sa mga kalahok ang pagbisita ng Philippine Consul Rowena Daquipin upang personal na batiin ang mga nanalo.
SAMBACUR PLUS: Gawa ng Pinoy, Panalo sa Pandaigdigang Entablado
Kabilang sa mga nagwagi ang SAMBACUR PLUS, isang produktong gawa sa piling halamang gamot na itinanim at inani sa Pilipinas. Ito ay tumutulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng bato at nakakatulong laban sa Chronic Kidney Disease (CKD).
Ayon sa mga gumagamit, marami ang nakaranas ng malaking ginhawa at paggaling mula sa CKD, at may ilan pa ngang nakaiwas sa patuloy na dialysis.
Ang SAMBACUR PLUS ay ginagawa ng Bauertek Pharmaceutical Technologies at ipinapamahagi ng Kaibigan sa Kalusugan.
Ang Silicon Valley International Inventions Festival ay inorganisa sa ilalim ng International Federation of Inventors’ Associations at nilalahukan ng mga imbentor mula sa iba’t ibang bansa.