NCR quarantine checkpoints to be relaxed to ease traffic - Auto News

MANILA, Philippines — Ayon sa datos ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG), ang motorcycle ride-hailing firm na Moveit ang nakapagtala ng pinakamaraming aksidente sa mga Motorcycle Taxi Vehicle Services (MTVS) noong 2024–2025.

Batay sa ulat na ipinrisinta sa House Committee on Transportation, nakapagtala ang Moveit ng 476 aksidente o 35.2% ng kabuuang motorcycle taxi mishaps. Kasunod nito ang Grab (293 kaso o 21%), Joyride (240 kaso o 17.7%), Angkas (236 kaso), at Lalamove (208 kaso).

Sa kabuuan, umabot sa 31,258 ang vehicular crashes sa bansa noong 2024, mas mataas kaysa 24,495 noong nakaraang taon, o may 27.6% pagtaas. Bagama’t 1,353 lamang dito (0.04%) ang kinasangkutan ng motorcycle taxis, nagbabala ang mga mambabatas na malinaw itong senyales ng lumalalang problema sa kaligtasan sa kalsada.

Dahil dito, nanawagan si Rep. Brian Llamazares, chair ng Transportation panel, na suriin ang proseso ng pagkuha ng lisensya ng Land Transportation Office (LTO). Isinusulong niya ang mandatoryong motorcycle safety driving program para sa lahat ng bagong aplikante at magre-renew ng lisensya.

“Ang road safety ay usapin ng buhay at kamatayan. Kailangang makita natin kung masyadong maluwag ang rules o kulang sa pagpapatupad,” ani Llamazares.

Laman ng panukalang programa ang skills-based training sa defensive driving, hazard awareness, road courtesy, at regular na revalidation para sa mga professional riders ng ride-hailing at delivery services.

Ayon sa HPG, 87% ng motorcycle crashes noong 2024 ay dulot ng reckless behavior gaya ng overspeeding, maling pag-overtake, distracted riding, at pagmamaneho nang lasing. Naniniwala ang mga eksperto na makatutulong nang malaki ang structured training para mabawasan ang mga aksidenteng ito.

Itinuro rin ng mga safety advocates ang “No Training, No Hire” policy ng Angkas, na nagresulta sa 99.997% safety record batay sa third-party audits.

“Patunay ang Angkas na epektibo ang mandatory training,” sabi ni Dr. Paul Chua, isang road safety advocate. “Kung kaya ng pribadong kumpanya, dapat ipatupad din ito ng gobyerno sa buong bansa.”

Naniniwala ang mga sumusuporta sa panukala na makapagliligtas ito ng maraming buhay at makapagpapaganda sa pangkalahatang road safety record ng Pilipinas.

image