image

MAYNILA — Ipinagmalaki ng St. Luke’s Medical Center na matagumpay nitong natapos ang mahigit 2,500 robotic surgeries sa nakalipas na 15 taon—ang pinakamaraming robotic-assisted procedures na naisagawa ng isang ospital sa buong Pilipinas.

Sa temang “We Live Life: Healing through Innovation – 2500+ Robotics Surgeries, Celebrating Precision Care for Every Patient”, kinilala ang St. Luke’s bilang nangungunang ospital sa bansa sa larangan ng robotic surgery.

Ayon kay Dr. Dennis P. Serrano, Pangulo at CEO ng St. Luke’s, nakapagsagawa siya ng 346 robotic surgeries bilang console surgeon mula 2010 hanggang Setyembre 2025. Aniya, ang tagumpay ay hindi lamang para sa mga doktor kundi lalo na para sa mga pasyenteng natulungan ng makabagong teknolohiyang ito.

Pinatunayan ng Device Technologies (DTG Medical Inc.) ang pagkilala sa St. Luke’s bilang ospital na may pinakamaraming robotic-assisted procedures sa bansa.

Mga kinilalang doctor sina: General Surgery: Dr. Hermogenes D. J. Monroy III (60 kaso), Dr. Jeffrey Jeronimo P. Domingo (23 kaso);.Obstetrics & Gynecology: Dr. Jennifer Marie B. Jose (248 kaso), Dr. Rebecca B. Singson (229 kaso); Urology: Dr. Serrano (346 kaso), Dr. Jason L. Letran (232 kaso), Dr. Josefino C. Castillo (152 kaso), Dr. Jaime S. D. Songco (83 kaso).

Pinarangalan din ang mga Rising Stars kabilang sina Dr. Leo Francis N. Aquilizan, Dr. Camille Ann C. Abaya, Dr. Aurora B. Tajan (OB-GYN), at Dr. Gilmyr Jude G. Maranon, Dr. Samuel Victor C. Tan, Dr. Marie Abigail C. Chan-Tan (General Surgery).

Mga Milestone ng St. Luke’s sa Robotic Surgery

2010 – Unang ospital sa Pilipinas na nagkaroon ng Da Vinci Si Robotic Surgery System; unang robotic-assisted Nissen Fundoplication.

2011 – Unang robotic-assisted thyroidectomy.

2013 – Unang robotic-assisted esophagectomy.

2016 – Unang robotic-assisted tonsillectomy at thoracic surgery; umabot sa 500 operasyon.

2019 – Naabot ang 1,000 operasyon.

2023 – Unang robotic-assisted kidney transplant sa Pilipinas at Southeast Asia.

2024 – Unang nagkaroon ng Da Vinci Xi Robotic Surgery System; unang robotic-assisted cardiac surgery sa bansa at Southeast Asia.

2025 – Lumampas sa 2,500 operasyon at opisyal na kinilalang nangunguna sa robotic surgery sa Pilipinas.

Ginanap ang selebrasyon sa Isla Grand Ballroom, EDSA Shangri-La, Mandaluyong City kung saan kinilala ang mga doktor, ipinakita ang mga makabagong pamamaraan, at ibinahagi ng mga pasyente ang kanilang karanasan at paggaling sa pamamagitan ng robotic-assisted care.

Bilang pioneer ng robotic surgery sa bansa, patuloy na nangunguna ang St. Luke’s sa pagbibigay ng world-class na pangangalagang medikal gamit ang makabagong teknolohiya para sa mas ligtas at mas tumpak na operasyon.

image