Caloocan City — Sinimulan na ang groundbreaking ng Caloocan Victory Plaza, ang unang fully integrated transport at lifestyle hub sa Luzon. Proyekto ito ng Kalayaan Development and Industrial Corporation, sister company ng Victory Liner.
Target matapos sa Marso 2028, layon nitong pagsamahin ang biyahe at negosyo sa isang modernong lugar para mas mabilis at mas komportableng paglalakbay.
Mga Pangunahing Tampok • 50 bus bays at air-conditioned waiting area
• Mas maayos at ligtas na daloy ng pasahero
• 41,117 sqm na expansion
• 200 bagong tindahan bukod sa 300 existing shops
• 100 metro mula sa LRT-1 at madaling lipat-sakay sa bus, jeep, tricycle at taxi
Dinisenyo ng Visionarch at pinapangasiwaan ng DA Abcede & Associates, gumagamit ang proyekto ng modernong at sustainable na disenyo para sa episyenteng galaw ng tao at sasakyan.
Dumalo sa groundbreaking sina Caloocan Rep. Oscar Malapitan, MMDA Chairman Romando Artes, Robina Gokongwei, mga opisyal ng Kalayaan Development and Industrial Corporation, mga miyembro ng Hernandez family, at LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza II.
Binasa ni Rep. Malapitan ang mensahe ni Mayor Along Malapitan, na nagpahayag na ang proyekto ay bunga ng pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor, at isang malaking ambag sa kabataan at ekonomiya ng Caloocan.