NAST PHL Pinarangalan ang Mga Natatanging Siyentista at Kabataang Inhenyero

QUEZON CITY — Ipinakilala ng National Academy of Science and Technology, Philippines (NAST PHL) ang mga nagwagi sa 2025 National Science, Technology, and Innovation Week (NSTW) Awards at 2025 Magsaysay Future Engineers/Technologists (MFET) Awards sa #PilipiNAST Kapehan na ginanap sa Fersal Hotel, Quezon City nitong Biyernes (Dec. 5).

Pinangunahan ni Academician Jaime C. Montoya, Pangulo ng NAST PHL, ang pagbubukas ng programa at binigyang-diin na ito ang huling episode ng #PilipiNAST Kapehan para sa taon. Dumalo rin si NAST Executive Director Luningning E. Samarita-Domingo. Ang Kapehan ay serye ng talakayan na nag-uugnay sa mga siyentista, media, at science communicators upang ipaliwanag ang mga programa ng Academy at parangalan ang mahuhusay na Pilipinong mananaliksik.

2025 NSTW Awardees

 

Outstanding Research and Development Award (ORDA)

– Dr. Joseph “Tasyo” Q. Basconcillo (DOST-PAGASA)

– Dr. Andrew D. Montecillo (UP Los Baños)

 

Sa kanilang pag-aaral tungkol sa regime shifts sa klima ng Pilipinas, nakapagbigay sila ng mahalagang ebidensya sa pagbabago ng climate patterns at epekto nito sa disaster risk reduction. Binanggit ni Dr. Basconcillo na ang kondisyon sa North Atlantic Ocean ay may malaking impluwensya sa lagay ng panahon ng bansa, at makatutulong ang DOST-PAGASA Modernization Act sa pagtugon sa climate change.

 

Outstanding Science Administrator Award (OSAA)

– Dr. Eva Maria C. Cutiongco-Dela Paz (UP Manila – NIH) Nabigyang-diin ang kanyang kontribusyon sa pagpapatupad ng mga batas tulad ng Newborn Screening Act, Universal Newborn Hearing Screening Act, Rare Disease Act, at National Vision Screening Act.

 

Outstanding Technology Commercialization Award (OTCA)

– Dr. Violeta N. Villegas at Julieta “Juliet” A. Anarna (UPLB)

2025 MFET Awardees

Kabilang sa mga pinarangalan ang mga kabataang iskolar mula UP, Ateneo, DLSU, UPLB, UP Visayas, at Ramon Magsaysay State University. Ilan sa kanila ay nagtapos nang may karangalan at pumasa sa mga licensure exam gaya ng Chemical Engineering at ECE board exams.

Ginanap ang NSTW noong November 18, 2025, habang idinaos ang MFET Awards noong December 4,

Facebook Comments