PRC Blood Summit Day 2: Ligtas na Dugo, Makabagong Sistema

QUEZON CITY — Ipinagpatuloy noong Pebrero 6, 2026 ang ikalawang araw ng PRC Blood Summit 2026, na tumutok sa blood safety, tuloy-tuloy na donor supply, digital transformation, at matibay na partnership upang mapalakas ang blood services sa bansa.

Binigyang-diin ni Irene Cunanan ng Abbott Laboratories ang kahalagahan ng Good Manufacturing Practice (GMP) upang masigurong ligtas at dekalidad ang dugong ibinibigay sa mga pasyente.

Ayon kay Merlita U. Gludo ng PRC General Santos–Sarangani, mahalaga ang magandang karanasan ng donors upang sila ay bumalik at maging pangmatagalang katuwang ng PRC.

Tinalakay ni Dr. Gerald Angelo Valeriano ang benepisyo ng Blood Bank Information Systems (BBIS) sa mas mabilis at mas ligtas na blood service delivery.

Ibinahagi nina Rex Escaño at Raymundo P. Martinez ang papel ng komunidad at LGUs sa pagpapanatili ng tuloy-tuloy na blood services.

Sinabi ni Dr. Hugh Nguyen na ang ugnayan ng Abbott at PRC ay nakaugat sa iisang layunin—ang magligtas ng buhay—habang binigyang-diin ni Wendy Wan ang inobasyon sa donor engagement.

Binigyang-diin nina Dr. Hilton Y. Lam, Dr. Vladimir C. Sianghio, at Dr. Edwin V. Rodriguez ang kahalagahan ng data, blood safety, at tamang paggamit ng dugo.

Nagbigay-pugay si PRC Secretary General Gwendolyn Pang sa mga blood service personnel, habang nagpasalamat si PRC Chairman at CEO Richard J. Gordon sa lahat ng katuwang ng PRC.

Nagtapos ang araw sa diwa ng pagkakaisa at iisang layunin: ligtas at sapat na dugo para sa bawat Pilipino.

Facebook Comments