“Paglulunsad ng ” e-TRANVIA”

“Paglulunsad ng ” e-TRANVIA” 

March 19,2026

Ni Josephine D. Agapito

 

Centro de Turismo, Intramuros Manila\

Ngayong araw ay inilulunsad

Sasakyang “e-TRANVIA” ang tawag

Sa makasaysayang Intramuros ginaganap

Bunga ito ng DOST agham na ramdam para

sa lahat

Ang sasakyan ay 18-seater na tranvia

Kuryente ang nagpapaandar at tunog ay mahina

Walang usok kaya sa kapaligiran ay tama

Produkto ng kagalingan ng Filipino sa qpaggawa

Ang e-tranvia ay mula sa lokal na disenyo

Light weight abaca glass fiber composite ay ehemplo

Nitong materyal na ginamit sa chassis at kaha mismo

Pinagsanib ang materyal na katutubo at moderno

May tinatawag na 3D Computer -Aided Design (CAD) modelling

Pati ang Finite Element Analysis ay banggitin

144v 20kw AC induction motor ay sabihin

Kasama ang LifePO4 battery system para paandarin

Ang e-TRANVIA ay isang bunga ng kolaborasyon

Sa pagitan ng Cagayan State University , University of the

Philippines Diliman , Intramuros Administration Electromobility at DOST -ITDI para sa

implementasyon

Kaya kitang kita ang pagsasanib pwersa ng gobyerno at akademikong

institusyon

Tungo sa paghahanap ng sa kailangan ay epektibong solusyon

Sa huli ay salamat sa mga kagaya nitong inisyatibo

Ebidensya nating gumawa ng sarili nating proyekto

Masarap sa pakiramdam ang aplikasyon ng agham dito

Kaya naman ramdam na ramdam ang sadyang benepisyo

Salamat po. Happiness!!!

Facebook Comments