image

Matapos na ipatupad ang implementasyon ng Executive Order No.4 na nagsasaad ng No Parking policy , nagkasa naman ng Libreng Sakay ang bagong upong Mayor na si Francis Zamora sa mga mananakay na bumibiyahe mula Wilson St. corner Ortigas Avenue hanggang paaralan ng Polytechnic University of the Philippines sa San Juan City.

Ang programang Libreng Sakay umano, ay upang matugunan ang kakulangan at pangangailangan sa transportasyon ng mga sumasakay sa nasabing lugar particular ang mga lehitimong San Juaneño.

Ito umano ay habang isinasaayos pa sa LTFRB ang mga prangkisa para sa mga pampasaherong jeep na bumibiyahe sa nasabing ruta.

Kahapon, sa unang araw ng implementasyon ng Executive Order No. 4  nakasaad na bawal ng pumarada sa kalye sa paligid ng Greenhills Shopping Center, na bahagi ng Mabuhay Lanes, na kung saan ito ay napapaikutan ng Anappolis, St. Connecticat St. Ortigas Avenue, Club Pilipino Avenue, at Eisenhower St.

Ayon kay Mayor Zamora, hindi nito palalagpasin ang mahuhuling magpa-parking sa nabanggit na mga lugar, huhulihin umano nila ito mula 6:00 ng umaga (AM) hanggang 9:OO ng gabi (PM).

Katuwang umano nila sa pagpapatupad nito ang MMDA, Kapulisan,Traffic Enforcer, Accredited Enforcers at Barangay Traffic Enforcers.

Ayon pa kay Mayor Zamora, bagamat, sa pagpapatupad umano nila ng Executive Order No. 4 ay mababawasan umano ang papasok na kita mula sa paniningil ng parking fee, subalit, laking ginhawa naman umano ito particular sa mga papasyal, kakain sa mga Restaurant at magsa-shopping sa Greenhills Shopping Center, dahil hindi na umano sila maaabala ng husto dahil sa masikip na kalye dulot ng sala salabat na parking.

Binigyan din naman ng konsedirasyon ni Mayor Zamora ang mga nasa paligid na nakatira at iba pang may mga transakyon sa lugar, na maari rin naman umanong pumarking ng walang sisita mula 9:00PM hanggang 6:00am, dahil wala pa naman umanong ganon kadaming tao sa lugar.

image

image