Nakatakdang magsasagawa ang lokal ng Pamahalaang lungsod ng Marikina ng Shoe Trade Fair ngayong buwan, para matulungan ang mga manufacturers ng sapatos na makarekober sa kanilang pagkalugi dahil sa impact ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic at pananalasa ng bagyong Ulysses.
Kamakailan sa panayam ng ilang mamamahayag, sinabi ni Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na magsasagawa ang Pamahalaang lungsod ng Shoe Trade Fair kanya nga lang, wala pa itong schedule kung kailan gaganapin. Ito ay gagawin sa sports complex ng nasabing lungsod. Gusto umano ng mga manufcturers na gawin ito ngayong Pebrero, subalit ito ay tentative pa lamang.
Ayon kay Mayor Marcy, nawalan ng market ang shoe industry sa panahon ng pandemic, subalit nag benta ang mga manufacturer ng kanilang mga produkto sa pamamagitan ng online. Ang iba naman ay nag shift at gumawa ng personal protektive equipments para magamit ng mga front liners partikular ang mga nagtatrabaho sa mga hospital.
“Halimbawa ‘yung aming sapatos walang market ngayon dahil ‘yung tao nagbago ang kanyang purchasing behavior eh,” he said. “Ang ginawa natin ngayon ang shoe industry i-connect sa mga government agencies para makapag participate sila sa procurement sa government. Halimbawa, ‘yung mga requirement na sapatos ng PNP (Philippine National Police) at AFP (Armed Forces of the Philippines), dito na sa Marikina makukuha,” sabi ni Mayor Marcy.
Wika din ni Teodoro na “the Department of Trade and Industry has given accreditation to some shoe manufacturers so that they can participate in the procurement process with the government agencies. It was given third week of December last year.”