“Serye ng Tulang Dagdag Kaalaman”

Ni: JD AGAPITO

image

Daisy – Bellis perrenis

Sa Europa likas ang tinatawag na Daisy
Napadpad lang kasi ito sa ating country
Pero kay gandang bulaklak kasi
Kaya’t ginawa  na ring pangalan ng mga babae

Common Daisy, Lawn Daisyo bruisewort sa ingles
Siempre ang genus nito ay Bellis
Latin na pretty naman sa ingles
Kang angkop na ipangalan kung nais

Ang perennis naman ay latin din
Everlasting ito kung inglisin
Kay ganda ng kahulugan kung tutuusin
Matutuwa talaga kung alam ang ibig sabihin

Pero kung sa variety ay marami
African,Gerber, Michaelmas o Painted Daisy
Basta pag pinag-usapan ang beauty
Garden mo dapat ay may Daisy

Madaling dumami dahil sa rhizome
Modified stem na ugat pero stem naman yon
Tungkulin kasi ay para rin sa reproduksyon
Asexual o vegetative ang pagpaparami  kung ganun

Saka ko na ipapaliwanag ang tungkol sa modified
Di ba’t sa dahoon ay alam ninyo ang bract
Marami pa kasing di naipapahayag
Larang ng Botany ay sadyang malawak

Balikan muli natin ang bulaklak na Daisy
Eye of the day kung tawagin din kasi
Isipin ang salitang Day’s Eye
Bukas sa araw at sarado kung gabi

Dahil para itong Sunflower
Tila sara kapag  gabi at nakahimlay
Pero kapag araw ay sadyang nakatunghay
Ipinagmamalaki ang kagandahang tinataglay