image

KAUNA-UNAHANG aning gulay ng Angono New Normal Farmers Association (ANNFA), pinakyaw ng isang pamilya para ipamigay sa Community Pantry ng Ministry of Social Communication (SOCOM) ng Santuario del Sto. Cristo Parish sa San Juan, City.

Nabiyayaan ng pinakyaw na gulay mula sa ANNFA ang mahigit sa 400 daan na pamilyang mahihirap sa San Juan City dahil sa umiiral pa rin na pandemic sa buong bansa.

Matatandaang, maraming nawalan ng trabaho at hanggang sa ngayon hindi pa rin nakakabalik sa kani-kanilang mga trabaho at sarado pa rin ang may maliliit na negosyo. Nakapag bukas naman ang ibang maliliit na negosyo subalit wala pa ring sapat na kinikita dahin sa wala pa rin namang halos pumapasok na mga costumers.

Bukod sa mga gulay, nakatanggap din ng bigas, Tinapay  at iba pang mga pangangailangan sa pagluluto ang mga pumila sa community pantry mula sa Ministry ng SOCOM ng Santuario del Sto. Cristo Parish. Kasama rin sa nagbibigay ang Parish Prist na si Fr. Matthias Nga Reh, OP at ibang kaparian sa nabanggit na simbahan.

Ang proyektong “Gulayan sa Pamayanan” ng Angono New Normal Farmers Association (ANNFA) ay bahagi ng programa ng DOST-PCAARRD na  GALING PCAARRD Kontra Covid-19 na siyang nagbigay ng tulong pinansiyal para sa kagamitan sa pagsasaka, katuwang ang DOST-CALABARZON at DOST-NCR.

Sa ilalim ng Programang ito, ang DOST-PSTC Rizal sa pangunguna ni Provincial Director FERNANDO E. ABLAZA na nangasiwa sa training at seminar tungkol sa pagtatanim at paggamit ng modernong kagamitan (tolls & equipments) sa pagsasaka  sa mga miyembro ng ANNFA, kasama na rito ang water pumps, grass cutter, weighing scale, knapsack sprayers at farm tools kagaya ng trowels, garden rakes, cultivators, transplanters, pick mattocks, spades, cutting hooks, at mga gloves.

Nakataggap din ang ANNFA ng mga quality seeds katulad ng pole sitao, squash tomato, eggplant, bottle gourd, okra, at mustasa, ito ay naipamigay sa mga miyembro ng ANNFA na kung saan nagsimula ng mag-ani ng kanilang pananim na gulay.

image

image

image