“Serye ng Tulang Dagdag kaalaman”
Ni: Associate Prof. JD Agapito
“Dekada ng Malusog na Pagtanda- 2021-2030”
Kalusugan ay unahin at yan ay nararapat
Simula ng isilang o nitong ipinanganak
Hanggang sa pagtanda o sadyang pag-edad
Mahalaga sa buhay ang lahat ng antas
Idineklara ng United Nations ang dekada
Simula ngayong taon at sampung taon pa
Kung saan mga Senior Citizens ang bida
Kalidad ng kanilang buhay ay mapataas talaga
Dahil buwan ng Oktubre ang pagdiriwang
“Older Person’s Month “ kung ito ay tagurian
Kahit pa may pandemya sa kasalukuyan
Mas lalo pa ang pagtututok na kinakailangan
Kaya naman dito sa ating bansa ay aktibo
Institute on Aging ng NIH-UPManila mismo
Mga pananaliksik at polisiyang mula rito
Siyensa ang batayang talagang pinakaepektibo
Isang magandang balita ang siyang alay
Pakikipagtuwang ng Institute sa DOST-FNRI
Kung saan Food and Nutrition ang tututukang tunay
Maraming mga pananaliksik na nakahanay
Ang pandemya ay tunay na nakaapekto
Dahil mga pagkilos ay naging limitado
Nabawasan ang sadyang pagiging aktibo
Subalit patuloy ang pagsisikap na umunlad tayo
Sa huli ay lagi nating pakaisipin na may pag-asa
May solusyon sa mga kinakaharap na programa
Salamat sa mga institusyong tunay na sumusuporta
Kasihan kayo ng Diyos sa mga plano at mga proyekto
Sa huli ay magtulong tulong tayong umangat
Sa darating na halalan ay mag-isip ang lahat
Pumili ng kandidatong may pagkalinga sa lahat
Makadiyos, Makatao,Maprinsipyo, Marangal at Matapat