“Serye ng tulang Dagdag Kaalaman”

Ni: Associate Prof JD AGAPITO

image

Ano ang “Social Classes”sa Nasyon?

Ituloy ko ang aking obserbasyon
Sa tinatawag na “social class”sa nasyon
A B C D E ang mga uri kung ganoon
Banggitin ang katangiang mayroon

Liwanagin muna natin ang social class
Hindi lang kita ang dito ay tiyak ( education at occupstion)
Pero kung sa kategorya ay may 3 itinapat
Low , middle , at high income ay alam dapat

Sa sarbey na pinakahuling ginawa (Phil.Statistics Agency)
Higit kalahati ang low income pala (58.4%)
Middle class ay 40% at high income ay 1.4 % na
Mas malalaki kasi ang pamilya ng low income kumbaga

Ang middle class ay nahahati pa sa tatlo
Lower, Middle at Upper middle classes mismo
Poor at middle class ay may nasa pagitan nito
Low income class pero hindi middle at hindi rin poor ito

Mayroon din sa pagitan ng middle class at rich
Upper income class ito kung ating ibabanggit
Kahit pa 6 digits ang buwanang kita ay di sila “elite “
Salitang ingles na ang ibig sabihin nga ay “rich”

Kalimitang ginagamit ng gobyerno ang kita
Para sa pampublikong serbisyo at mga polisiya
Pero mukhang nagkaroon ng problema nitong pandemya
Dahil ang low income lang ang nabigyan ng ayuda

Sa tinatawag na A B C D E na kategorya
Yung A ang pinakamalaki ang kinikita
E naman ang pinakamahirap talaga
Sila ang dapat napagpaplanuhan ng mga panlipunang programa