“Serye ng Tulang Dagdag Kaalaman”
Ni: Associate Prof JD AGAPITO
“Buwan ng Disyembre 2021”
Huling buwan ng taong 2021
Simoy ng hangin ay may kalamigan
Hinihintay na muli ang kapaskuhan
Masaya kasi ang hatid nito sa kalupaan
Lalo na sa bansang mahal nating Pilipinas
Sa buong mundo ay siyang pinakasikat
Pagkat napakahaba ng inilalaang oras
Maraming pakulo at tunay kang magagalak
Ngunit pangalawang taon na ng pandemya
Padalawang pasko na ring naiba
Di makalabas ng bahay noong taong una
Dahil mas matindi ang virus sa paghawa hawa
Ngayong marami na rin ang bakunado
Nagbabalikan na ang masa sa publiko
Ngunit may babala pa rin sa peligro
Wag isiping ligtas na ligtas na ang tao
Kaya pinapaalalahan pa rin ang lahat
Magsuot pa rin talaga ng face mask
Resistensya ay palakasin pa rin dapat
Siguruhing may bitamina, gulay at prutas
Kaya magsasalo salo ang bawat pamilya
Magpapasalamat lalo at kumpleto pa
Sa mga may lumisan dahil sa pandemya
Nawa ay matanggap ng maluwag ang pagkawala nila
Kapaskuhan ay sadyang pagdiriwang
Dahil tagapagligtas ng kaluluwa ay isinilang
Kaya marapat na sa buhay ito ang ating pag-ingatan
Maipreserba ito patungo doon sa kalangitan