image

Tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang  paglilinis ng Municipalidad ng Cainta Probinsiya ng Rizal sa mga  pangunahing daluyan ng tubig ng nasabing bayan, ito ay paghahanda na rin sa nalalapit na namang tag-ulan ngayong taon.

“Even without rain, our waterways are cleaned year-round,” Cainta Mayor Johnielle Keith “Kit” Pasion Nieto, ito ay ayon sa ipinost niya  sa  kanyang Facebook page nitong nakaraang Miyerkules.

“We have dredging activity set for the year. Last year, we started with the outfall of the floodway up to town. This year, going up from the town to the villages along Imelda Avenue,” Nieto added.

Samantala, nagdeploy na rin ng team ang alkalde para hakutin ang mga naipong kalat ng basura matapos ang nagdaang holiday season.

“The regular schedule of garbage haul resumes today. SWIMS hauler is deploying 16 trucks today to cover the routes assigned to them,” the Cainta mayor added.

Bumuo rin ang Alkalde nang augmentation teams mula sa lokal na pamahalaan para tumulong sa paghahakot ng basura sa ibat-ibang lugar ng nasabing bayan.

“This will be on top of what our regular haulers are scheduled to do today. If their routes were doubled, it’s important that we finish it as soon as possible. All barangay trucks have likewise been tasked to help expedite collection,” ayon pa sa Alkalde.