BILANG kinikilalang Art Capital ng bansa, at pet-friendly na bayan, binuksan na rin ng municipalidad ng Angono kamakailan ang kaunaunahang “Pet Park.” Ang nasabing lugar ay dati umanong tapunan ng basura ng mga taga Angono na ginawa ng pahingahan at palaruan ng mga alagang hayop na pinangalanang May Puso Pet Park.
Hingil sa May Puso Pet Park, sinabi ni Mayor Jeri Mae Calderon, na siya mismo ay pet lover din, na kailangang ikonsidira na ang mga hayop ay miyembro na rin ng pamilya na may “dignidad at kailangan ng pagdamay” na kailangang ibigay, sa ilalim ng Republic Act 8485 (Animal Welfare Act) “which mandates adequate care for animals.”
Ang May Puso Pet Park ay pinalagyan ng Alkalde ng kumpletong kagamitan para sa mga hayop, kagaya ng kulungan at palaruan. Ito’y para sa anumang lahi ng aso at pusa.
Matatandaang ang 200-square meter na tinayuan ng My Puso Pet Park sa Medalva Village II ay dating tapunan ng basura. Ito ay ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Angono at ng Barangay San Isidro. Kasunod nito ang pagtatayo ng “Pet Park” ng lokal na pamahalaan ng Angono, sa pakikipagtulungan ng mga residente ng Medalya Village II, Municipal Agriculture and Veterenary Office at ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Angono.
Sinabi pa ng Alkalde, na ngayong bukas na ang Parke sa publiko, ang LGU ay mahigpit na ring ipatutupad ang Republic Act 9482 which requires animal owners to get their pets dosed with anti-rabies vaccines and penalties for animals negligence. Nagpahiwatig na rin ang Alkalde ng pagtatayo ng libingan ng mga hayop sa lalong madaling panahon.