Idiniklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na wala ng bawal na gamot sa dalawangput isang (21) barangay na sakop ng San Juan City. Ayon kay PDEA Regional Director Emerson Rosales, ang San Juan City pa lamang ang kauna-unahang lungsod sa buong Metro Manila na nagkamit nito.
Ito ay matapos nang maging full-drug cleared ang natitirang tatlong barangay na kínabibilangan ng Barangay West Crame, San Perfecto at Batis. Ito ay matapos na matugunan ng tatlong barangay ang mga itinakdang panuntunan ng Regional Oversight Committee for Barangay Drug Clearing Program na pinamumunuan ng PDEA, PNP, DILG at DOH.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, gagawin nila ang lahat para mapanatili ang pagiging drug cleared City, kaya’t pinaalalahanan niya ang mga kapitan ng barangay na pagsumikapang magbantay sa kanilang kinasasakupan, at hindi pwedeng magrelax.
Sinabi pa ni Zamora, na ang San Juan City ay meron na ring drug reformation center o “Balay SIlangan.” Dito tinutulungan ang mga gumagamit ng droga na makabalik sa lipunan nang maayos, magkaroon ng trabaho, at magkaroon ng magandang buhay.
Dagdag pa ng Alkalde, na siya bilang mayor, “gusto kung makita ang lahat ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na mabalik sa normal na buhay. Bibigyan natin sila ng pagkakataon na magawa nilang muli yung mga bagay na ginagawa nila bago sila nalulong sa droga”. “We have various livelihood opportunities for them at meron din kasi tayong skills and training center. So lahat ng mga pagkakataon ay binibigay po natin sa kanila. Pag nabuksan na ng tuluyan yung bagong gusali ng Balay Silangan, you will see a real drug reformation facility, meron syang classrooms para sa livelihood training, meron syang quarters na pwede nilang tulugan, Meron din pong PDEA office at magkakaroon din po ng CADAC office doon. This will be a four-storey facility at sinisimulan na po ang gusaling yan, Give us about 6 months. Matatapos na natin yan, Dito po lamang yan sa likod ng Pinaglabanan shrine,” ayon pa sa Alkalde.
Pakinggan natin ang sinabi ng Alkalde: