Tiklo ang dalawang suspek ng EPD’s Unified Drugs Watchlist sa Php 109, 480.00 halaga ng droga na may timbang na aabot sa 16.1 gramo, sa buy-bust operation na isinagawa ng EPD operatives ganap na 11:30 PM nitong nakaraang February 14, 2023, sa No. 2439 Compound Victorino Street, Bambang, Pasig City.
Ayon Kay EPD Director PBGen Wilson Asueta, kinilala ng EPD, DDEU Chief ang mga suspect na sina, alias “Boyet”, 47 years old at alias “Danilo” 35 years old, parehong residente ng Bangbang, Pasig City.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang tatlong pirasong sachet na nakalagay sa heat-sealed transparent plastic, na naglalaman ng crystalline substance na hinihinalang shabu. Sa taya ng DDB, ito ay may timbang na 16.1 gramo, at tinatayang nagkakahalaga ng Php 187,000.00, kasama na ang nakumpiskang buy-bust money.
Dinala na ang dalawang suspect sa DDEU office para sa kaukulang documentation, at pagkatapos ay dadalhin sila sa EPD Forensic Unit para sa Drug Test. Ang nakumpiskang iligal na droga ay isusumite para sa Laboratory Examination para gamiting ibedensya..
Pansamantalang naka detain ngayon ang dalawang suspek sa Pasig City Custodial Facility habang inihahanda ang inquest proceeding.
Kasong Violation of Sections 5 (Selling) and 11(Possession) Art. II of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isasampa sa dalawang suspek sa Pasig City Prosecutors Office .
Lubos na ikinatuwa ni PBGen Asueta ang ginawa ng EPD operatives. “This exemplary accomplishment in line with our campaign against Illegal Drugs is another testament of our aspirations to reduce and eradicate such Criminalities within our community,” sabi pa niya. Hinikayat din niya ang kumunidad na suportahan ang PNP na labanan ang ganitong uri ng mga tao na perwisyo sa lipunan, para magkaroon ng tahimik at ligtas na comunidad.