Namigay ng Business Permit and Business Tax Exemption certificates sina Congresswoman Maan Teodoro at Mayor Marcy R. Teodoro sa mga sari-sari store at carinderia owners sa Lungsod ng Marikina ngayong araw.
Ito ay kaugnay ng patuloy na pagpapatupad ng Ordinansa Bilang 199, Serye ng 2022 o ang ORDINANCE PROVIDING FOR FULL BUSINESS PERMIT AND BUSINESS TAX EXEMPTION FOR SARI-SARI STORES AND CARINDERIA IN MARIKINA CITY FOR THE TAX YEAR 2023 na nilagdaan ni Mayor Marcy kamakailan.
Ayon kay Marikina Mayor Marcy, alam niya ang pinansyal na pangangailangan ng mga maliliit na negosyante at parehas na naghahanap-buhay sa lungsod ng Marikina, partikula ang maliliit na sari-sari store at carideria.
Patuloy na ipatutupad ang exemption sa mga kwalipikadong sari-sari store at carinderia sa Lungsod ng Marikina, ayon pa sa Alkalde.
Binibigyan ng Business Permit at Business Tax Exemption certificates ang mga Sari- sari store at karideria na ang start–up Capital o paunang puhunan ay hindi lalagpas sa Php10,000 o may taunang benta na hindi hihigit Php180,000 – hindi nagbebenta ng alak at sigarilyo.
Ang mga tumanggap ng bus. permit at bus. tax exemption certificate na carideria at sari-sari store ay nagmula sa Barangay ng San Roque, Kalumpang, Sta. Elena, Barangka, IVC, J. dela Peña, Tañong, Sto. Niño, Malanday, Tumana, at Concepcion Uno.
Matatandaang sa direktiba ni Mayor Marcy taong 2017, noong unang ipinatupad sa Lungsod ng Marikina ang Business Permit and Business Tax Exemption, na ang nais ng Ama ng Lungsod na makatulong upang makabawi at makapagbigay-kaluwagan sa mga maliliit na mamumuhunan sa Lungsod ng Marikina.