Kasabay sa pagdiriwang ng “World Immunization Week,” ngayong buwan ng Abril, 2023, inilungsad ng San Juan City Government ang “CHIKITING LIGTAS” Program. Katuwang ang Department of Health (DOH), ang layunin nitong programa ay mabigyan ng Supplemental Immunizations ang mga batang hindi pa nababakunahan sa lungsod.
Para masigurong ligtas ang mga batang San Juaneño, nagsanib pwersa ang San Juan City LGU, sa pangunguna ni San Juan City Mayor Francis at Department of Health (DOH) sa pangunguna naman ni DOH Public Health Services Asst. Secretary Dr. Beverly Lorraine Ho. Pinangunahan ang paglulungsad ng mga ito ang Healthy Pinas “Chikiting Ligtas” Measles-Rubella at Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR OPV SIA) nitong nakaraang huwebes April 27, na ginanap sa FilOil EcoOil Center, ganap na 9:00 ng umaga.
Umabot sa mahigit 200 daang bata ang nabakunahan, sa mismong araw na yon, na sinamahan ng kani-kanilang mga magulang mula sa ibat-ibang barangay na sakop ng San Juan City.
Bilang insentibo naman sa naging partisipasyon ng mga magulang, para mapabakunahan ang kanilang mga anak, nagpahayag si MAYOR ZAMORA na: “Ang mga magulang na nakiisa sa panawagan ng LGU’s ay pagkakalooban nila ng P3,000 upang maipambili ng dagdag na pagkain at vitamina para sa kanilang mga anak. Naghiyawan sa tuwa at nagpalakpakan ang mga magulang sa insentibong ipinangako ng Alkalde, na matatanggap ng mga magulang pagkalipas ng isang linggo.
Hinikayat din ni Mayor Zamora ang lahat ng mga nakakumpleto na sa COVID VACCINATIONS na magpa-BOOSTER na. Mismong si City Mayor Francis Zamora ang unang sumalang para sa kaniyang 2nd Booster bilang adbokasiya nito laban sa Covid Viruses, habang nakamasid ang mga opisyal ng DOH, mga bisita at buong San Juan na dumalo sa nabanggit na okasyon.
“Nagpapasalamat ako sa DOH dahil San Juan ang napili nilang lungsod upang ilunsad ang ‘Chikiting Ligtas’ Program. Since you have chosen San Juan, we will make sure to exert all efforts to vaccinate our children. Naiintindihan ko bilang ama ang kahalagahan ng pagbabakuna sa ating mga anak, Kaya sa mga magulang, seryosohin natin ang pagbabakuna laban sa mga sakit na ito,” saad ma ni MAYOR ZAMORA.
“We are happy to partner with the DOH in their program, ‘Chikiting Ligtas’. As a father myself, this initiative is very important for me because we need to protect our children especially in their early years and give them the best protection they can get from vaccines,” ayon pa kay Zamora.
Hinikayat din ng Alkalde ang kaniyang mga kapuwa mayor, gayundin ang kanilang mga constituent, na mapabakunahan ang kanilang mga anak upang maproteksiyunan laban sa anumang uri ng mga sakit.
Bukod kay Mayor Zamora at Dr. Ho, ang okasyon ay dinaluhan din nina World Health Organization (WHO) Lead Vaccine-Preventable Diseases and Immunization Dr. Robert Kezaala, UNICEF Representative to the Philippines Ms. Oyunsaikhan Dendevnorov, Department of Social and Welfare Development (DSWD) Secretary Rexlon T. Gatchalian, Philippine Pediatric Society President Dr. Florentina U. Ty, Philippine Infectious Disease Society of the Philippines President Dr. Fatima I. Gimenez, at DOH Undersecretary Dr. Enrique A. Tayag.