ILANG hakbang na lamang makakamtan na natin ang inaasam at halos nasa last lap o last segment na tayo ng pakikipaglaban at malapit na malapit na umano ito. Ito ang mariing sinabi ni Dr. Richard sa ginanap na Bauertek Media Health Forum kahapon Oct. 9, 2023 na ginanap sa Gerry’s Grill ETON Centris, Quezon Ave. Quezon City.
Sa ginanap na Media Health Forum nitong nakaraang lunes Oktubre 9, taong kasalukuyan, sinabi ni BAUERTEK President, scientist/inventor and Gen. Manager Dr. Richard Nixon Gomez, halos 10 taon nang ipinaglalaban sa Pilipinas ang adbokasiya na maisabatas na ang paggamit ng medical cannabis, na kung saan marami ang hindi na nakinabang pero milyon pa ang pwedeng makinabang, kung maisasa-legal na ang paggamit nito sa bansa. Binigyan diin ni Dr. Gomez na kailangan pa ng Bauertek ng matinding information campaign. Malapit na tayo sa huling lap o segment ng pakikipaglaban, dagdag pa ni Dr. Gomez.
Naging panauhin sa nasabing Media Health Forum sina: BJ “Tolits” Forbes, Aktor, Member, Cannahopefuls Inc.’ at Dr. Donnabel Cunanan, Dentist, President, Cannahopefuls Inc. Nagsilbing MCEE at moderator si Broadcaster Edwin Eusebio.
Sa pagbabahagi ng dating child actor na si BJ “Tolits” Forbes, ang kanyang dahilan kung bakit siya napasama sa adbokasiya sa pagsusulong ng gamot na cannabis, ay dahil na rin sa kanyang anak na nagsa-suffer o nagrerekober sa kanyang stroke at cerebral palsy. Nung ito ay one year old pa lamang, bigla na lamang siyang nag siezure kahit walang lagnat, ubo at sipon o ano pa man na sintomas. Normal naman umano ito ng ipanganak ang kanyang baby at healthy, subalit nong mag one-year old na umano ito bigla na lamang nag seizure. Sa naranasan nilang pagsubok, binigyan siya ng synthetic medicine na rineseta ng doctor, subalit, nandoon pa rin ang seizure nito at hindi nawawala. Maraming beses na rin nag adjust ng gamot ang doctor.
Bilang magulang, inisip nila kung ano pa ang dapat gawing para sa kanilang anak. Nag research umano sila at dito nalaman nila na ang gamot sa sakit ng kanilang anak ay ang medical cannabis. Sa ngayon, mag-aapat na taon na umano ang kanyang anak at tuloy-tuloy pa rin ang gamutan. Hiling nito, maisabatas na ang paggamit ng medical cannabis na tanging gamot sa kanyang anak na may sakit, at sa napakarami pang may sakit na kagaya ng kanyang anak, ayon pa kay Tolits.
Ibinahagi naman ni Dr. Donnabel Cunanan, Dentist, President, Cannahopefuls Inc. ang kanyang hirap sa kanyang anak na halos 11 yars old na ring dumaranas ng matinding karamdaman. Alam ni Dr. Cunnanan na hanggang sa ngayon ay hindi pa fully legal ang paggamit ng medical cannabis sa bansa. Nakaka-access siya ng gamot na cannabis sa pamamagitan ng compassionate special permit, pero hindi umano sila patuloy na gumagamit “for the very obvious reason na illigal siya at mahirap siyang i-source out.” Marami umanong makikita kapag nag research ka, at maraming research na maari mong magawa subalit, hindi mo siya magawa dahil sa limitasyon at status ng nasabing gamot.
Sa ngayon umano, ang ginagawa na lamang niya sa kanyang anak ay ayusin ang lifestyle. Na-lessen ang seizure ng kanyang anak matapos na magbawas siya ng sugar nito, pinag low carb diet din, at as much as possible, no junk foods o ano pa man pagkain na may preservatives, dahil ang mga pagkain umano na may halong preservatives ay nakakapag trigger ng seizures. Ang iba pa umanong nakakapag trigger ng seizures, kapag may liver at medical conditions, na kung minsan nagkaka-ubo, nagkakasipon or kahit ang extreme emotions nagiging cause din ng seizure, kapag ito ay sobrang saya, sobrang lungkot, minsan naglalaro lang umano sila ng kanyang anak bigla na lang itong hihimatayin, so talaga umanong sobra dami ang nakaka-trigger ng siezure. dagdag pa ni Dr. Cunanan.